Normal na sa akin ang magising ng alas-tres o alas-kwatro ng umaga at magbasa ng mga text messages at twitter updates. Kadalasan, bino-browse ko lang ung updates, pero iba ngayong araw. Alas-tres y medya ng madaling-araw, gusto kong maiyak dahil sa nabasa ko.
Ito na ata ang pinakamalungkot na tweet na nabasa ko. Aalis na si Ebe sa Sugarfree. Hindi ko ito inasahan. Parang ang hirap tanggapin. Tipong, hindi pwedeng mangyari? Tas nabasa ko ung tweet. Naalala kong kapapanood ko lang pala ng Inception kagabi. Baka nananaginip lang ako. Paggising ko bukas, okay pa din ang lahat. Pero mali ako. Gising pala talaga ako nung nabasa ko ung tweet ni Ebe.
Nakakalungkot lang na ung tanging banda na minahal ko talaga eh mawawalang miyembro. Ilan sa mga naisulat kong entry dito sa kundiman ay mga kanta nila ang naging inspirasyon. Wag Ka Nang Umiyak, Huling Gabi, Kwarto, Sinta. Kahit mga lugar, tulad ng Dencios at NAIA ay nagawan ko ng entry dahil sa kanila. Sugarfree lang ang tanging bandang minahal ko dahil sa mga kanta nila. May puso. Sapul para sa akin. Parang kahit buong araw kong pakinggan mga kanta nila, hindi ako magsasawa. Actually, ung Dramachine at Mornings and Airports ang nasa sasakyan ko ngayon. Nagpapalitan lang silang dalawa, kasama nina Bruno Mars at Yeng Constantino.
Taong 2005 nung mapanood ko sila ng Live. Nasa Megamall kami ng mga kaibigan ko, kabibili ko lang ng Dramachine na album, habang pinapakinggan kong kumanta si Ebe. Maswerte akong mapanood sila ng live bago kami umalis ng Pilipinas ng taong un. 2006, umuwi ulit ako ng Pilipinas, binili ko ungĀ Sa Wakas. Bigay ng ex ko ung Tala-Arawan. Ung Sugarfree Live, regalo sa akin ng bestfriend ko. Mornings and Airports naman ung regalo ng boyfriend ko. Sayang lang na hindi ako nagkaroon ng chance na mapanood sila sa 70′s Bistro eh kitang sa kanto lang un ng street namin sa Proj. 2 dati. Last gigs na din nila as a group ngayong February, di na naman ako makakapanood. Nakakalungkot.
Teka, sobrang lumabas ung pagkafan girl ko. Sensya. Hehe. Ganyan ko lang talaga kamahal ang Sugarfree.
Wala naman nang ibang magagawa sa ngayon kundi ang tanggapin ang nangyari. Kung magsosolo man si Ebe, susuportahan ko pa din sya, kasabay ng suportang patuloy kong ibibigay sa Sugarfree. In denial pa din ako hanggang ngayon. Ang hirap lang.
Salamat Ebe. Salamat sa Mornings and Airports na kanta, sinasabi ko sa sarili ko na kanta ko un. Mukhang matutuloy na ang paggawa ko ng entry tungkol dun. Salamat sa Sinta, natuto akong pahalagahan ang ngayon, at wag masyadong magalala sa hinaharap at kalimutan na ang nakaraan. Kwarto ang syang kasama ko sa tuwing maglilinis ako at sa tuwing may gusto akong kalimutan. Naiiyak pa din ako sa tuwing naririnig ko ang Kandila. Mamang Driver ang nagpapaalala sa akin na wag masyadong magmadali sa pagmamaneho at sa buhay na din. Wala Nang Hihilingin, Ikaw Pala ang naging kanta ko kay Arvin. Wag Ka Nang Umiyak ang nagpalakas sa akin. Salamat sa Tulog Na, Feels Like, Hintay, Telepono, Prom, Kwentuhan at Hari ng Sablay. Hangover. Hangover. Hangover. Super thank you sa pagpasok sa buhay ko. Salamat sir Ebe at Goodluck sa’yo.
Pahabol:
Lalo akong nalungkot dahil hindi ko na mapapapirmahan sa inyo ung mga CDs ko. Hay. :(




