10-second AHT

5 Comments » May 10, 2009 » 308 days ago
writings

Text mo ko ha?
???

Panigurado akong naguluhan siya dun. Dahil paano naman niya ako itetext e hindi naman niya alam ang number ko. Well… hindi pa. Grabe, ilang linggo na rin mula nung unang beses ko siyang nakausap. Hindi ko na kaya na ganito na lang, na sa bilang ng tatlo.. dalawa.. isa.

Sige babay na.
Oi! ‘Nung sinasabi… mo?

Inapakan ko na ang gas para kumaripas ng takbo ang kotse kahit na parang may sinasabi pa siyang hindi ko na naintindihan. Bahala na. Nakakahiya na ewan. Sana makita niya. Sayang naman kung hindi. Sana. Sana talaga.

— — kinabukasan — —

Nakahiga na naman akong nakatingala sa kisame habang inaalala ang kanyang mukha. Nabasa kaya niya? ‘Yan ang tanong na kagabi pa umiikot sa isip ko’t muntik na akong hindi pinatulog sa buong magdamag habang pilit pinipigilan ang sarili sa paghihintay sa isang bagay na hindi naman ako siguradong darating.

*toot toot*

Para akong nakuryente sa gulat nang marinig kong tumunog ang phone kong pilit hinagilap dahil napailalim na sa mga unan matapos kong magsawang titigan kung may darating na message. Eto na nga. Nakuryente akong muli nang makita ko na number lang ang lumabas sa display. Syet, wala sa phonebook ko yung nagtext. Mukha akong tangeng napangiti habang itinapat ang hinlalaki sa ‘read’ button.

Pero ayoko pa palang buksan. Read the rest of this entry »

the-other-girl

the other girl

13 Comments » March 18, 2009 » 360 days ago
writings

I HATED her.

wala na akong nagawa nung nagpaalam ka. huli na nang sinabing mong patawarin kita dahil di na naman natin maibabalik ang panahon. sorry dahil hindi mo sinasadyang saktan ako? anong inaasahan mong isasagot ko sayo? na ok lang un, nangyayari naman talaga yan? hindi, kaya di na lang ako umimik at umalis na lang ako.

naramdaman ko na eh, ilang buwan na rin. may hinala na akong nagkakamabutihan na kayo nung isa mong katrabaho. lalo na nung nabanggit mong may gusto sya sayo. tinanong na nga kita ng deretsahan, itinanggi mo at sinabi mo pang magkaibigan lang talaga kayo. pinaniwalaan kitang di mo magagawang lokohin ako, na kahit na magkalayo tayo, di mo magagawang ipagpalit ako sa iba. pero siguro nga’y katulad ng sabi mo, naging mahina ka’t nahulog sa kanya. naging close kayo, naging higit pa sa magkaibigan ang turingan. anong magagawa ko ba? eh ang layo ko sayo.

galit na galit ako dun sa babae. gusto ko syang murahin, gusto kong sampalin. kung bakit nya inagaw sa akin ang mahal ko. kung bakit ang dami namang lalake dyan, ung akin pa ang gusto. sa tuwing nakikita ko ang pangalang un, naiirita ako. nakakagago. ang sakit sa pakiramdam.

I WAS her.

nabalitaan kong umiyak ka daw. di ko sinasadya. alam kong di ako ang dahilan pero di ko mapigilan ang sarili kong maging apektado. alam kong nasaktan kita, nang hindi sinasadya. hindi ko inaasahang mangyayari ito ngayon, di ko talaga ginusto. gusto kong puntahan ka’t para personal na humingi ng tawad. pagkakaibigan lang talaga ang pakay ko, wala nang iba. pero di ko napigilan, patawad dahil minahal ko sya.

naghiwalay kayo ng dahil sa akin. hindi ko ito inaasahan, hindi talaga. ayokong manakit ng iba para lang sa pansarili kong kaligayahan. pero nangyari na, at alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad. patawad dahil minahal ko ung taong pinakaimportante sayo. ung itinuturing mong bestfriend. sorry talaga.

sya na rin kasi ang bestfriend ko ngayon. ang nagpapasaya sa akin. mamahalin ko sya. pangako.

dencios

19 Comments » January 18, 2009 » 419 days ago
emo daw, writings

hindi, libre ko na.

sabi ko sayo nung muli tayong nagkita. sumang-ayon ka na lamang sa sinabi ko, na nakakapagtaka dahil di ka naman dating ganun. madalas ikaw ang nanlilibre sa akin, madalas ikaw ang bahala. pero this time, simpleng ‘ok’ lang ang naisagot mo. binuksan mo ang pintuan ng Dencios para sa akin. gentleman ka pa rin syempre. nilapitan tayo nung waiter, sabi mo, table for 2. sumunod tayo sa kanya at dinala sa upuan na nasa bandang gitna. doon ka umupo sa tapat ko, na dati rati’y magkatabi tayo. iba na nga pala ngayon. iba na.

Read the rest of this entry »

Pengeng popcorn!

8 Comments » December 4, 2008 » 465 days ago
ldr, writings

sinehan

Ito o, kuha ka lang.
Ang ingay mo kumain.
*belat*

Oo na, wala lang talaga ako masabi at kapag wala akong masabi e nang-aasar na lang ako. Nangiti ka naman, ok na rin yun:) Iba ang pakiramdam ‘pag napapangiti kita , tipong wala na akong pakialam kung anung nagawa ko kaya ka napangiti, basta masaya ako kapag nakangiti kita.

Ang tagal naman nung movie..
Oi, baka naman naubos mo na yan e ‘di pa nagsisimula
Hinde no, ikaw kaya umuubos, hehe.

Unang beses nating manood ng sineng magkasama. Kung yung iba nga, ligawan stage pa lang e nakakarami na ng movie dates. Tayo naman e, teka… anung stage na nga ba tayo? hehehe. Pero hindi ko naman talaga gusto ang movie dates kapag nanliligaw pa lang kasi ‘di mo naman makakausap ng maayos yung kadate mo, ni hindi nga rin makikita masyado kasi madilim. E paano kung cute ka-date ko di ba? Edi mas solb pa kung siya na lang tititigan ko kaysa sa kung sinong artistang hindi naman ako kakilala.

Oo nga pala, hindi kita niligawan. Grabe, hindi na ako magiging tao kasi never ko pa naranasang manligaw. E pa’no ba ‘yan kasi wala na akong liligawan pang iba. Ooops, ‘di pala dapat nagsasalita nang tapos dahil baka mamya e kailangan ko ‘pang ligawan ang tatay mo ‘pag nagkataon, haha.

Huy, ‘di pa nga nagsisimula natatawa ka na. Anu yun?
Ah eh… wala, may naisip lang, hehe.
Woooo, tinatawanan mo na naman ako…. Ayaaan, start na!
Start na? ok.

Pambatang animated film na comedy. Mahihirapan kasi tayo kapag madramang love story ang panonoorin, baka pareho pa tayong maiyak. At baka hindi ka pa makalabas kaagad ng sinehan dahil ayaw pang huminto ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata. Tama na muna ang drama. Read the rest of this entry »

girbaud.

28 Comments » October 8, 2008 » 522 days ago
Litratong Pinoy, writings

ako po, si karmi, ang gumawa ng LP para sa Linggong ito. :)

lumang sapatos

July 9, 2004 (Biyernes). Birthday ng nanay ko. Last day naman ng mga kaibigan ko sa trabaho. Naginuman kami. Sabado na ako nakauwi. Madaling-araw. Nakita kong nakaabang na ung tatay ko sa may gate namin. Alam mo na kung anong sumunod na nangyari.

July 11, 2004 (Linggo). Nagsimba kami. Medyo di na galit tatay ko sa akin. Sumasagot na sya kahit papano sa mga tanong ko. Pagtapos magsimba, nagpunta ng Cubao. Ali Mall. Tinanong ako ng tatay ko kung gusto ko pa rin daw ba ung sapatos na ilang buwan ko nang kinukulit sa kanya. Tumango ako. Nakuha ko ung sapatos na gusto ko.

apat na taon na ang nakakalipas nang ibili sa akin ng tatay ko ang sapatos na nasa larawan. kahit alam kong galit na galit sya sa akin, eh sya pa itong parang nagpumilit na bumili. HS pa lang kasi ako, gusto ko na ung Girbaud. gusto ko kasi ung style. simple pero rock. :) mula nung binili ko ito, di ko na ito nalabhan. ilang baha, putik at dumi na ang napunta sa sapatos ko na yan. pansin naman sa kulay diba? paborito ko kasi eh. :)

hindi na kasya sa akin ang sapatos na yan (kasusuot ko lang ngayon bago gawin itong post), pero dinala ko pa rin dito sa America. naisuot ko pa ata nang isang beses. luma na nga ang sapatos pero may sentimental value naman. naaalala ko ang pagmamahal ng aking tatay. :)

Ito ang aking lahok para sa ika-28 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Luma na. Ang litrato ay kinuhanan kanina lamang matapos halungkatin ang aking cabinet. Itinago na kasi ng nanay ko ung sapatos, dahil di ko na naman ginagamit. Bisitahin ang mga bagay na luma na para sa mga miyembro dito. Happy LP!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.