Pengeng popcorn!

Posted 3 years ago ldr, writings

sinehan

Ito o, kuha ka lang.
Ang ingay mo kumain.
*belat*

Oo na, wala lang talaga ako masabi at kapag wala akong masabi e nang-aasar na lang ako. Nangiti ka naman, ok na rin yun:) Iba ang pakiramdam ‘pag napapangiti kita , tipong wala na akong pakialam kung anung nagawa ko kaya ka napangiti, basta masaya ako kapag nakangiti kita.

Ang tagal naman nung movie..
Oi, baka naman naubos mo na yan e ‘di pa nagsisimula
Hinde no, ikaw kaya umuubos, hehe.

Unang beses nating manood ng sineng magkasama. Kung yung iba nga, ligawan stage pa lang e nakakarami na ng movie dates. Tayo naman e, teka… anung stage na nga ba tayo? hehehe. Pero hindi ko naman talaga gusto ang movie dates kapag nanliligaw pa lang kasi ‘di mo naman makakausap ng maayos yung kadate mo, ni hindi nga rin makikita masyado kasi madilim. E paano kung cute ka-date ko di ba? Edi mas solb pa kung siya na lang tititigan ko kaysa sa kung sinong artistang hindi naman ako kakilala.

Oo nga pala, hindi kita niligawan. Grabe, hindi na ako magiging tao kasi never ko pa naranasang manligaw. E pa’no ba ‘yan kasi wala na akong liligawan pang iba. Ooops, ‘di pala dapat nagsasalita nang tapos dahil baka mamya e kailangan ko ‘pang ligawan ang tatay mo ‘pag nagkataon, haha.

Huy, ‘di pa nga nagsisimula natatawa ka na. Anu yun?
Ah eh… wala, may naisip lang, hehe.
Woooo, tinatawanan mo na naman ako…. Ayaaan, start na!
Start na? ok.

Pambatang animated film na comedy. Mahihirapan kasi tayo kapag madramang love story ang panonoorin, baka pareho pa tayong maiyak. At baka hindi ka pa makalabas kaagad ng sinehan dahil ayaw pang huminto ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata. Tama na muna ang drama. Read the rest of this entry »

girbaud.

Posted almost 4 years ago Litratong Pinoy, writings

ako po, si karmi, ang gumawa ng LP para sa Linggong ito. :)

lumang sapatos

July 9, 2004 (Biyernes). Birthday ng nanay ko. Last day naman ng mga kaibigan ko sa trabaho. Naginuman kami. Sabado na ako nakauwi. Madaling-araw. Nakita kong nakaabang na ung tatay ko sa may gate namin. Alam mo na kung anong sumunod na nangyari.

July 11, 2004 (Linggo). Nagsimba kami. Medyo di na galit tatay ko sa akin. Sumasagot na sya kahit papano sa mga tanong ko. Pagtapos magsimba, nagpunta ng Cubao. Ali Mall. Tinanong ako ng tatay ko kung gusto ko pa rin daw ba ung sapatos na ilang buwan ko nang kinukulit sa kanya. Tumango ako. Nakuha ko ung sapatos na gusto ko.

apat na taon na ang nakakalipas nang ibili sa akin ng tatay ko ang sapatos na nasa larawan. kahit alam kong galit na galit sya sa akin, eh sya pa itong parang nagpumilit na bumili. HS pa lang kasi ako, gusto ko na ung Girbaud. gusto ko kasi ung style. simple pero rock. :) mula nung binili ko ito, di ko na ito nalabhan. ilang baha, putik at dumi na ang napunta sa sapatos ko na yan. pansin naman sa kulay diba? paborito ko kasi eh. :)

hindi na kasya sa akin ang sapatos na yan (kasusuot ko lang ngayon bago gawin itong post), pero dinala ko pa rin dito sa America. naisuot ko pa ata nang isang beses. luma na nga ang sapatos pero may sentimental value naman. naaalala ko ang pagmamahal ng aking tatay. :)

Ito ang aking lahok para sa ika-28 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Luma na. Ang litrato ay kinuhanan kanina lamang matapos halungkatin ang aking cabinet. Itinago na kasi ng nanay ko ung sapatos, dahil di ko na naman ginagamit. Bisitahin ang mga bagay na luma na para sa mga miyembro dito. Happy LP!

senti

Posted almost 4 years ago emo daw, ldr, writings

sensya sa pagdadrama. ok pa rin kami ng baby ko. :) di lang talaga maiiwasan na magsenti paminsan-minsan. – karmi

kaaalis mo lang ng bahay, papasok ka na kasi. as usual, late ka na naman. oo na, di ka late, sakto lang. hanggang sa huling segundo bago ka umalis ay bukas pa ang ating mga webcam para makita ang isa’t-isa. nakasakbit na nga ang iyong bag para pagpatay mo ng PC eh aalis ka na lang. pihadong tatakbo ka na naman hanggang sa labasan at paparahin ang pinakaunang tricycle na makikita.

lagi tayong magkausap. araw-araw. oras-oras. kung di man tayo magkachat gamit ang YM o plugoo, madalas ay magkatext tayo gamit ang twitter at brightkite. pansin nga na gamit na gamit natin ang twitter dahil halos dalawang libong direct messages na ang napapadala mo sa akin. brightkite naman ang gamit kong pantext sayo na ok lang kahit ilang beses isang araw, dahil unlimited naman ito para sa akin. kung di pa sapat ang text at chat, patatawagin pa kita sa celphone ko. boses mo ang kasama ko habang naghihintay ng bus o di kaya’y syang gigising sa akin bago ako pumasok. lahat na ata ng pwedeng nating gawin para punan ang layo sa isa’t-isa ay nagawa na natin. pati nga snail mail eh pinatos na natin.

pero bakit ako biglang nalungkot ngayon?

pero baka dumalang na pag-uusap natin sa gabi
hmmm..
ok.

alam ko na di naman pwedeng araw-araw o minu-minuto tayong magkausap. noon, alam ko un noon. pero bakit ngayo’y pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na kaya ko ito? bakit iba na ngayon? bago pa man ako pumasok sa relasyong ganito, alam ko na kung anong maaaring mangyari. pero mali pa rin pala ako, hindi ko kaya ang di ka makausap. OA ba? siguro nga. siguro dahil nasanay lang ako na andyan ka kasi palagi. na isang buzz? ko lang sayo ay sasagot ka kaagad.

hay.

nagagaraan talaga ako. nalulungkot. ewan.

lalo ko tuloy gustong makasama ka na talaga.

ituring-mo-ang-oras-bilang-ginto

Ituring mo ang oras bilang ginto.

Posted almost 4 years ago Litratong Pinoy, writings

time is gold

Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo, unti-unting nauubos ang bawat segundo. Walang kapagurang nagsisitakbo, naghahabulan ang mga kamay ng relo. Nag-uunahan, nagkukumaripas, pabilis ng pabilis, naiiwan na ako.

Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo, panahon ay lumilipas at lahat ng bagay dito ay isa-isa nang nagbabago. Darating. Mananatali. Ngunit lahat ng mga ito’y mawawala, at sa di inaasahang panahon ay tuluyang maglalaho.

Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo. Kahit gaano man kahigpit ang pagkakakapit mo, unti-unting dudulas, magpupumiglas, at kakawala sa pagkakahawak, pagkakatali, pagkakabigkis mo.

Ituring mo ang oras bilang ginto.

Ito ang aking lahok para sa ika-25 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Ginintuan. Ang litrato ay kinuhanan kanina, habang hawak ang aking relong kulay ginto ang mga kamay. Bisitahin ang iba pang nagkukuminang na mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.