E[kwento]MO FAQ’s
1. Kailangan ba matagal na ang blog para makasali?
- Hinde.
2. Paano kung hindi bagay sa blog ang madramang post, pwede na lang bang gumawa ng bago?
- Pwede, pero hinikayat namin na gamitin ang sariling blog para sa entry mo.
3. Saan ko pwedeng gamitin ang mapapanalunang domain at hosting?
- Maaari lamang gamitin ang premyong domain at hosting para sa isang personal blog.
4. Pwede bang ang gawing entry ay napost na dati?
- Pwede.
5. Pwede bang magpasa ng higit sa isang blog entry?
- Pwede naman, pero, mas mabuti sana kung iisa lamang ang iyong entry, para naman di mahati ang mga boto. Kung sakaling pareho mong blog entry ang manalo, ung pinakamataas na premyo ang iyong makukuha.
6. Pwede bang tagalog ang entry?
- Pwedeng isulat ang entry gamit ang ingles o tagalog, yung lang kasi ang alam naming lenggwahe.
7. Pwede bang iboto ang sarili o dapat ibang entry ang iboto
- Kung may entry ka dito sa E[Kwento]MO, pwedeng-pwede mong iboto ang sarili mo. :)
Kung meron ka pang ibang katanungan na wala dito ay maaring ipost mo na lang bilang comments sa baba:D













hmm txt me 09083138737 emo boy lang true magmahal!