E[kwento]MO: Mechanics
The face can speak of a thousand emotions but it can easily mask what the heart truly feels. Don’t be fooled, for the happiest face may be masking the most hurting heart.
Lahat tayo may mga kadramahan sa buhay, at lahat un may dahilan, may kwentong nakapaloob. Wala naman atang tao na hindi nakakaranas ng kalungkutan diba? Lahat tayo ay may kanya-kanyang malulungkot na ala-alang di malilimutan. Aminin natin, lahat tayo ay emo, in the sense na madrama, pero hindi naman ung suicidal type ha. Umiiyak tayo, nasasawi, nabibigo, at natututo. get the picture?
Being said that, naisipan kong gumawa ng isang writing contest para sa mga emo at madrama dyan. Ito ay ang E[kwento]MO. Tungkol saan ang pa-contest na ito? Wala kang ibang gagawin kundi isulat ang kadramahan mo sa buhay — kahit na tungkol saan, pamilya, pag-ibig, kaibigan, eskwelahan. Ikaw na ang bahalang pumili. Pwedeng kahit na anong nakakaantig/drama/emo/nakakaiyak na post, basta wag lang ung may laslasan na ng pulso. Tandaan lamang na dapat ay tungkol sa’yo ang kwento. Hindi pwedeng tungkol sa ibang tao o bagay. Pwede ka ring gumamit ng props sa blog entry mo, lagyan mo ng picture, o kaya nama’y music. Basta be creative.
Ang writing contest na ito ay bukas sa lahat ng bloggers (wordpress, blogspot, multiply, tabulas, livejournal. Basta lahat ng blogging platform). Nilalayon ng writing contest na ito na mas makilala pa ang isang tao, para malaman din ang soft side nyo.
Syempre, pa-contest, may premyo. Alam kong habang ginagawa nyo ang inyong nakakalungkot na entry eh marami kayong maaalalang di kanais-nais. Baka maiyak pa kayo habang isinusulat nyo un. Isipin mo na lang na may kapalit ung ginagawa mo na pwedeng magpangiti sayo. Ano ba ang makukuha ng mananalong entry?
Ang Top 5, kasama na ang Pinakamadramang blogger ay makakakuha ng isang badge (na ako ang gumawa) na pwede nilang ilagay sa kanilang mga blog. Ang Pinakamadramang blogger, maliban sa badge (na ako ang gumawa) ay makakakuha rin nito:
- 1yr domain name (your choice)
- hosting (with idlip.net)
- ako at si komski as your 24/7 on-call technical support
Now there’s a reason to smile in your saddest moment. ^^,
*Ang domain at hosting na mapapanalunan ay maaari lamang gamitin para maghost ng isang personal blog:D Kung may mga tanong pa ukol dito ay maari lamang kontakin kami, o sumangguni sa FAQs.
MECHANICS:
September 6, 2008-September 13, 2008 (Pre)*
Isang linggo bago ang contest, pwede ka nang magpost ng entry na sasali ka sa E[kwento]MO. Hindi pa ito ung official entry mo ha. Basta may brief description lang ng contest ay pwede na, tapos ay may link pabalik dito sa Mechanics page. Bakit isang linggo pa bago magsimula ang contest mismo? Ginawa ito para kumalat ang nasabing contest, para malaman ng iba pang emo at heart.
September 14, 2008-October 4, 2008 (Submission)*
Mayroong tatlong linggo para magsubmit ng entries. Maglagay ng part sa header o sa footer ng iyong entry na nagsasabing kasali ang entry mo sa E[kwento]MO. Pwede mong gamitin ang image sa ibaba, tapos ay ilink sa Entries page.
![E[kwento]MO logo](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small2-150x150.png)
i-send sa ekwentomo@gmail.com ang iyong entry kasama ang sumusunod.
- title ng entry
- permalink ng post
- excerpt o maikling description ng iyong kwento
- picture na may kinalaman sa entry mo (kung may nilagay ka)
Makikita sa Entries page lahat ng mga official entry na kasali sa E[kwento]MO. Hindi pa pwedeng bomoto habang submission week pa lang. Hihintaying matapos ang tatlong linggo, para naman maging fair sa mga ibang late nang makakapagpasa ng entries. Mas ok rin ito, para naman mababasa ng lahat ang lahat ng mga lahok.
October 5, 2008-October 17, 2008 (Voting)*
Matapos ang tatlong linggo ng pagpapasa, may dalawang linggo para iboto ang iyong paboritong emo entry. Maaari mo ring i-plug ito sa iyong blog na bukas na ang botohan. Bubuksan ang comments ng Entries page para dun ilagay ang mga boto. Pwedeng bumoto ng hanggang tatlong entry. Ang iyong number 1 eh dapat ung pinakanaantig ka na kwento, at ung huli naman ay ung nakakaiyak, pero di masyado.
Sample comment entry:
I vote for these entries:
1. 3 tears
2. 2 tears
3. 1 tear
Magsesend kami ng message sa email na ginamit sa comment at kailangang magreply para mapabilang ang iyong boto. Naisip kong sa comments na lamang ng Entries page ang botohan para naman mabasa pa ang mga official entries habang nagiisip kung sino ang iboboto. Wag lamang tatangkain na mandaya sa pagboto. Mananagot ka kay Papa God kapag ginawa mo yan. Maliban sa reader’s votes, pati kami ni Arvin ay pipili ng aming mga paborito.
October 18, 2008 *
Ilalagay sa Winner’s page ang Top 5, kasama na ung Grand Winner. Makakatanggap din ang mga mananalo ng e-mail mula sa amin.
Kung may iba ka pang tanong ukol sa contest, mage-mail ka lang sa ekwentomo@gmail.com o kaya’y i-follow ang official Twitter account ng E[kwento]MO http://twitter.com/ekwentomo o http://plurk.com/user/ekwentomo para sa mga updates.













naku, bagay siguro ako sumali dito
cge, sali na. :D
bakit ako naexcite noong nabasa ko to? ahaha. matry nga sumali. naku, kinakabahan ako. at dapat manalo ako kundi magpapaka-emo ako sobra at maglalaslas ako ng pulso. ahaha. may kasamang banta? joke lang.
raito, sumali ka!
kundi, papasabugin ko bahay mo sa Yoville. :P hahaha.
yan ang pagbabanta.. :D
huwaw!!! may ganitong pacontest??? hahahaha!! matry nga sumali… sana makagawa ako ng entry ko hahaha.. gusto ko talaga… wooohoo!!!
impernes, na-excite talaga ako, wish ko lang masustain sa mga susunod na araw.
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
na-excite ka ba? :D yay! hehehe.. cge, sali ka na.. ganito, isulat mo na ung entry mo ngayon, tapos saka mo na ipost kapag submission na. :D
wow, mukhang interesting ito.
:D sali na rin po kau. ^_^
ahryt pwedeng sumali hahaha? joke lang.
eh kahit naman di ako sumali, meron na ako nung mga premyo nio.
hehehe love you karmi and komski.
:)
magjujudge na lang ako. ahahaha boboto na lang para may silbi naman ako. ahiek. :)
Mas masaya kung maglagay ka rin ng emo entry mo:D Hmmm, di nga namin napag-usapan kung paano yung mga may domain na, hmmm.
sayang at hindi ako pwedeng sumali…wala pang oe year yung blog ko e…hehe
makikibasa nalang ako at makikiboto….
anatayin ko ang next year baka sakaling may pa contest ulit na ganito…makakasali na ako..hehe
gudluck sa lahat ng sasali….=)
two thumbs up para sa iyo, karmi=)
Kakatulog lang ni karmi kaya ako na ang sasagot, hehehe. Pwedeng sumali kahit kauumpisa lang magblog:D ‘te rio, panigurado maganda makukwento mo, hehehe, ayus yung sa balot:D
Ang pagiging emo, walang pinipiling panahon…
hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam ang tamang kahulugan ng mga salitang “lubos” at “pagmamahal.”
Kaya kung iyong mamarapatin, nais kong ilathala ang aking mga luha sa bawat titik at sanaysay ng aking emo na buhay.
—
NAKS!!!! Kinakarir na ngayon palang! hehe! Makasali nga…
comment pa lang, hehehe, sige magpakaemo tayo lahat.
Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko. http://pmonchet.blogspot.com/2008/09/may-malungkot-ka-bang-kwento.html Simulan na ang pagkakalat ng tsismis,este pa kontest.
Maraming salamat! Pinagsama ko na yung dalawang comments:D
parang masaya ito!
at parang ang galing mo ring mag-market :))
EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya yan. Hindi ako gumawa niyan, si karmi:) Sumali lang sa pag-iisip. Sali ka!
[...] co-blogger of mine is currently having a contest and it is called ” E[kwento]MO: Emo Writing Contest “ An opportunity for every individual who wants to share there EMO-ments of [...]
Wow cute contest. Very nice idea.
May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also, hat if your blog is not fit to have a dramatic post? Pwede nalang bang gumawa ng bago?
waaah…
haba ng mechanics..
gusto kong sumali…
haha..
hanap nga ako ng problema para madrama isasali ko dito..hehe
mahaba ba? ganon talaga, sana lang hindi magulo. =)
gudlak sa paghahanap ng problema?! hehehe.. ^_^
Wow cute contest. Very nice idea.
May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also, what if your blog is not fit to have a dramatic post? Pwede na lang bang gumawa ng bago?
Hindi kailangan na matagal na yung blog, at pwedeng gumawa ka ng bago pero hinihikayat namin na sariling blog ang gamitin para sa contest na ito:D
Maitanong lang. Sa prizes epek na 1 year domain name, ibig sabihin ba nun, after 1 year, tsugi na ang domain name?
Oo, tsugi na ang domain after 1 year:)
wow angsaya namn ng writing contest na iyan..
hi repah.
masaya nga ito, hehehe, kahit emo. LOL.
sali ka na! :D
wow. astig ang price ah. sana makasali ako. sana makaisip ako ng kadramahan ko sa buhay. haha
hachi. :D
sali ka na rin.. oo, makakaisip ka nyan.. =)
ahem.ahem..
heheh..
ahem. sali. ka. teresa. :D
nakagawa na po ako ng plug regarding dito.. eto ang url hehehe..
http://fjordz-hiraya.blogspot.com/2008/09/hiraya-supports-ekwentomo-emo-writing.html
salamat. :D
sali ka ha!!
:D mababawa lang ako magsulat, di naman ako EMO magsulat e. :( nakakalungkot naman…
Mag-v-vote na lang ako. :D
hi. :)
sayang naman kung di ka sasali.. try mo lang diba? :) malay mo, may tinatago ka palang kadramahan.. :D hehe..
yay! dami na sumali ah.. inimbyt ko rin ka team8 ko ate.. hehe.. sana sasali sla.. kasi mukhang mas maganda ang emo-ments nla.. haha.
emo-ments. :P hehehe.
cge, cge, pasalihin mo lang sila.. ^_^
pwede po ba ang filipino entries?
english o tagalog pwede. :)
gumawa na ako ng entry para sa mechanics..
haha..
sasali ako?
toinks!
http://endaymo.blogspot.com/2008/09/halo-halong-saloobin.html
salamat sa entry enday. :D
goodluck sau.. ^_^
hehehe, join din ako, =)
cool… sasali din ako… thanks to fjords. hahaha!
interesting po ang pa contest nyo ;)
parang gusto ko sumali hehe ;)
gusto ko sana sumali kaso lang baka maiyak ako habang inaalala ang nakaraan… ang aking unang pag-ibig.
waaah! comment pa lang, nagpapaka-emo na ako. my gosh… tissue plis :’-(
;) sali ako. pwede pa diba magpasa ?
Hindi ako masyadong emo kaya sasabihan ko na lang ung kakilala ko na hanep sa ganitong gawain. ;) Tapos boboto na lang ako ha. Ahm, sana may papremyo din para sa mga botante. Kahit isang pack lang ng Chocnut. ;)
Nga pala, since fan ka (din) ni BO, let me know naman kung may bago na siyang labas na book. Tagal na wala eh. Nobela na yata talaga ang sinabakan niya.
Thanks.
hi po.
n_n
hindi ko naipost ung Prepost for entries. pwede po ba makapasok tong entry ko, kahit saling ket-ket lang? hheheh
hmmm.. makasali nga hehehehehe.
http://magicsaucer.blogspot.com/2008/08/naghihintay.html
haha. merong ganito? hahaha. kita mo nga naman. ito ang panahon na winner ang emo. :P