1 year, 11 months ago by komski matagal ko ring niloko ang sarili ko. lumikha ako ng isang malaking birong hindi ko kayang aminin. naniwala ako sa huwad na mundong nilikha ng paghahangad ko sa iyo. nanatili ako sa kahapong, sa aki’y, hindi pa rin naglalaho.
gumuho ang lahat ng ito kahapon. nasira ang mundong pilit kong pinaniniwalaan, lahat ng aking inaasahan. ang mga pinapangarap ko’y naglaho bigla sa iilang salitang iyong binanggit, na ang naging kapalit ay ang aking kinabukasan.
naaalala mo ba, siya yung tinutukoy ko
oo, naaalala ko, pagka’t lahat nama’y naaalala ko. at ito ang pumipigil sa aking umusad, umahon, kumawala sa pagkakagapos sa pag-ibig ko sa iyong walang patutunguhan. hindi ko magawang ikaw ay kalimutan.
sa bawat makita’y ikaw ang aking hinahanap. katangian mo ang siyang basehan sa lahat ng makilala. ikaw pa rin ang aking nakikita sa bawat mukhang aking tinititigan, boses mo ang aking naririnig kahit sa katahimikan.
hindi ko ineexpect, pero mahal ko siya
mahal mo siya, mahal mo siya, pero mahal na mahal kita. hindi mo panigurado alam na sinasaktan mo ako. bawat sinasabi mo’y tinik na bumabaon sa aking puso.
naaalala mo rin ba, dati tayo’y magkasama. sana malaman ko kung naramdaman mo na mahal kita. dahil kung hindi’y hambambuhay kong iisipin na hindi ako marunong magmahal pala.
ikaw, magkwento ka naman please
tingin mo ba’y makakapagsalita pa ako pagkatapos mong sabihin ang lahat ng ikinakatakot ko? di ba makailang ulit ko nang sinabi sa iyo ang nararamdaman nitong aking puso, na ikaw ang siyang nilalaman nito?
pinapatay mo ako nang dahan-dahan nang hindi man lang namamalayan. sinasaksak mo ng punyal ang nagdurugo ko nang puso. inubos mo kakaunting pag-asang bumubuhay sa akin. dahil ikaw ang dahilan ng paggising ko sa umaga, ang tanging kasama ko sa aking mga panaginip ngunit lahat nang ito’y naglaho na lang bigla
umiiyak ako ngayong hindi lumuluha, tumatangis akong nakangiti ang aking mukha. Magpapatuloy ang ikot ng mundo kong ngayo’y kumawala na sa kalawakan. nawalan ako ng direksyon at patutunguhan
May love life ka na ba?
hindi ka na ba talaga magiging akin?
Hanggang sa aking huling hininga’y uulit-ulitin ko pa rin ang pagsabi na mahal na mahal kita. hanggang sa huling letra’y ngalan mo pa rin ang aking isusulat.
Sana hindi ka lang isang parte ng aking mga tula.
ano man ang pagdaan ko, masasabi kong malaking parte pa rin ng sarili ko ang nagmamahal sa kanya. minsan nawawala sa isipan, minsan nababalewala, pero hindi ko nakakalimutan.
nakaukit na siya sa puso ko, sa buhay ko, at sa tingin ko ay walang makakabuo ng puwang na nilikha niya sa akin. sana meron pero sa tingin ko ay wala.
sana mali ako sa pag-iisip na hindi ko siya makakalimutan.
waw. namis ko mga tula mo. hehe..
panu po un mga dati mong blog entries at mga tula sa tabulas. ala na dn??
nasa pc ko lahat ng entries ko sa tabulas. ginagwa ko pa yung script para mailagay lahat dito. pati yung date ng original post kasama, hehe=) sinave ko kasi bago ko binura yung account.
binuo ko ulit yung account pero parang ayoko nang magblog sa tabulas, hehe=) dito na lang
Mali nga ang iniisip ko, nakalimutan ko na siya, matagal na:)