naaalala mo pa ba?

6 Comments » June 5, 2009 » 30 days ago
inlove, maalaala ko kaya

… na nung bago tayo magkita eh binibilang mo ang bawat yakap na ibibigay ko sayo? Hindi ko na maalala kung ilang yakap nga ba, nawala na nga sa bilang pero ang alam ko, madami. Ang dami ko nang utang sayo yan ang lagi mong sabi. :)

… nung minsang sinabi kayo sayo na ok siguro kung kulay Pink na polo ang suotin mo kapag nagkita tayo? alam mo kung bakit? dahil dun sa kanta ng Mojofly na “Simula”. hehe:) Sabi mo pa nga sa text bago pa tayo magkita, di ka pa muna maghahanap ng pink na polo dahil matagal pa naman bago tayo magkita. :) Hindi natuloy ung plano, pero parang plinano na rin dahil nung araw na nagkita tayo eh hindi inaasahan na pareho tayong naka-stripes. o diba destiny. :P

… na binalak nating magkita sa UP Sunken Garden ng alas-syete ng umaga? haha. Pero di rin naman ito natuloy dahil hindi pumwede sa schedule ko. Inisip mo pa nga kung saan tayo magaagahan at kung san tayo pupunta ng ganong kaaga eh kitang sarado pa ang mga mall. Buti na lang at nausod ng alas-nuebe at sinabi kong sa Trinoma na lang tayo magkita. Una pa nga’y sabi mo, aabangan mo ako sa North Station dahil di ko naman alam kung paano pumunta ng Trinoma. Pero ang nangyari’y pumunta ka pa ng Cubao Station para dun ako sunduin.

.. na nalate ako ng 20mins. sa unang pagkikita natin? Di ko naman sinasadyang magpalate at di ko rin naman alam na sobrang aga mo. Malay ko bang trapik ung mula Marikina hanggang Katipunan. NagLRT na nga ako papuntang Cubao pero late pa rin. hehe. Alam mo rin bang gusto akong ihatid ng bestfriend ko sa MRT Station? hahaha. Pero sabi ko, wag na, malaki na ako. hehe.

… na kunwari pang hindi kita napansin nung pagakyat ko ng escalator dun sa MRT Station? Pero halata namang ikaw un, dahil ikaw lang ung tanging tao na nakaupo dun sa bench na para bang may hinihintay. Katext ko pa nga ung kaibigan ko nun at di na ako nakapagreply sa kaba. haha. Parang ewan lang. Nakatungo lang ako na para bang nagtetext pero di naman. Nang linapitan kita’y wala kang masabi at nagulat ako sa isang dozenang rosas na nakapatong sa upuan.

… nung tinabihan kita sa wakas sa bench na wala tayong imik pareho? Iniabot mo agad ang bulaklak pero ayaw mo akong tingnan. Saka ko lang naisip na, hindi ka nga nagbibiro nung sinabi mong mahiyain ka sa personal, pero mas nagulat ako sa sarili ko dahil natameme rin naman ako. hehe:) Naputol lang siguro ung katahimikan nung dumating na ung MRT na sasakyan natin. Tas hinawakan mo ang kamay ko.. ayun, wala na akong naalala pa.. :P hehe :)

Naaalala mo pa ba nung inagawan natin ng upuan ung dalawang lalake dahil tumayo sila para lang manood ng Fashion Show? Eh ung manong na natutulog kaya di tayo makalipat dun sa kumportableng couch. Ung pagkain natin sa Tokyo Tokyo at KFC. Ung pagvi-videoke natin na ikaw lang naman ang pinakanta ko. Sinita pa nga ako nung babae diba, dahil nakataas ung paa ko sa upuan. Naalala mo ba ung bata na pinanood ka? hehe:) Tas nakita pa nga natin ung isang poster na may bandang magpe-perform kaso, sayang dahil hindi naman natin mapapanood. Pero swerte pa rin tayo dahil napanood natin ng live ang Project One. Naalala mo ba nung nakanakaw ka ng halik sa akin? Habang naghihintay tayo na magperform ung Project One un eh. Nagulat ba ako? Oo, pero inaasahan ko na rin siguro. :P hehehe.

Halos buong araw rin tayong magkasama nun eh, na para bang ayaw pa nating pareho umuwi. Naalala mo pa ba nung inintay mo akong makasakay ng jeep along Aurora Blvd.? Bulacan ka pa uuwi pero pinasakay mo muna ako bago ka umalis. Tas nung nasa bahay na ako, tinext mo ko na nagtatanong kung gusto na rin ba kita hindi lang online, pero personal na rin. Sumagot ako ng Oo naman. :)

June 14, 2008. Unang beses nating magkita. Nabayaran na rin ang mga utang na yakap, may nakasama pang halik. Ang saya ng araw na un, sobra. :) Hindi nga ata sapat ang isang blogentry lang tungkol dito. Hanggang ngayo’y sariwa pa rin ang bawat ala-ala ng araw na iyo. :)

Sino ba namang magaakalang isang taon na pala ang nakalipas? ^_^ tagal na rin! :D Happy Anniversary baby :)

see you later :)

12 Comments » May 27, 2009 » 39 days ago
blog update

6 days ago ang last na update. kung wala pang LP, di pa magkakaroon ng blog entry dito sa kundiman. so bakit ako gumagawa ng entry ngayon? siguro eh para opisyal na sabihing, di na muna ako makakapagupdate. hiatus. kelan ang balik? ewan. di ko pa sigurado. :) ang arte lang ano? hehe. minsan lang talaga, may mga bagay tayong mahal na mahal na kailangan munang iwanan para mamiss natin at sa pagbalik eh maenjoy muli ito. ganun ang feeling ko sa blogging eh. tinatamad na akong magbloghop, wala laging maisulat na blog entry. ayoko lang din sigurong magshare muna ng kahit na ano tungkol sa buhay ko. wala rin naman kasing bago, walang juicy na tsismis. :) nagbabay na rin ako sa twitter. well, panandaliang pamamaalam. :) ayoko lang. magpapakaloner na lang muna ako. :)

o nga pala, gusto ko lang iparating sa mga kaibigan kong blogger na nakakausap ko sa YM noon na miss ko na kayo. pasensya na kung di man ako  nagpapakita sa YM. wala rin kasi ako sa katinuan kung kakausapin nyo ako. :) malamang, busy ako sa paglalaro ng Pet Society, Happy Farm at Restaurant City kaya ganun. gudlak Yeye sa board exams! Ate Rio, happy trip. :) at sayo Vanny, miss na kita ganda. balik ka na soon. please. :)

ang arte ko talaga. hiatus post na nga lang, ang haba pa. hehe. ang dami pang pabati.

sayo, na walang sawang nagbabasa at dumadaan dito sa kundiman, salamat ng madami. :) babalik pa naman ako, di nga alam kung kelan. saka, magu-update pa rin naman (siguro) si Arvin. ^_^

ayokong magpaalam, dahil andito pa rin naman ako, buzz nyo lang ako sa YM o kaya facebook. madalas lang akong invisible, pero andyan lang ako. :) at katulad nga ng sabi ko parati..

no goodbyes, just see you laters. :)

simpleng kaligayahan

24 Comments » May 21, 2009 » 45 days ago
Litratong Pinoy

LP logoLahat ay Payak, yan ang tema ngayong linggo. Medyo mahirap ang tema, pero naisip ko.. Payak, Simple. Pareho lang naman sila ng kahulugan diba? :) pwede. ^_^

Simple Joys. Mababaw lang akong tao. Di ka mahihirapang patawanin ako. :) Anu-ano nga bang nagpapasaya sa akin? hmmm… Isa na dito syempre, ang makausap si Arvin. :) Alam nya un, na marinig ko lang ang boses nya, magiging ok na ako. hehe. ^^ Masaya rin ako kapag nakakausap ko ung mga kaibigan ko. Kahit na magastos sa phonecard at pagminsan pa eh, napuputol-putol ung tawag, ok lang. Nakakamiss din kasi ung mga barkada ko, at kapag kausap ko sila, kahit isang oras lang, feeling ko eh kasama ko na rin sila. :)

Masaya rin ako kapag nakakakumpleto ako ng tulog sa isang araw. Ung hindi bitin, at kumportableng tulog. Tapos gigisingin ako ng kapatid ko para pumunta ng mall. Nakatulog na ng maayos, bonding time pa! :)

Gustong-gusto ko kapag nagkukwento ung nanay ko tungkol sa experiences nya nung mga bata pa kami ng mga kapatid ko. Nakakatuwang marinig ang mga kwentong galing sa kanya, tas makikita ko pang nag-goglow talaga ung nanay ko habang nagkukwento? Priceless. :)

Simple joys. Katulad na lang ng larawan na napili kong i-share sa inyo. Paa namin yan ni Sara, kapitbahay at kaibigan ko. Ewan ko ba kung anung naisipan namin at ginawa namin ito. haha. Bigla na lang syang kumuha ng pentel pen at sinimulang drowingan ung paa nya, at syempre gumaya naman ako. :) Sobrang random ano? Pero ang mga bagay na ito, simple  mang matatawag ay talagang nakakapagpasaya sa akin. :)

sara at ako

Ito ang aking lahok para sa ika-58 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Lahat ay Payak. Ang litrato ay kuha ng aking kaibigan, habang nagkakaraoke kami. Hulaan nyo kung alin dyan ang paa ko. Hehe:) Bistahin ang lahok ng iba pang miyembro dito. ^_^

rak-en-rol

Rak en Rol!

12 Comments » May 18, 2009 » 48 days ago
blabbers

kikomachine strip

UP Bahay ng Alumni, ika-16 ng Mayo 2009 — Hindi ako komiks fan talaga pero ewan ko ba’t napasugod ako sa Komikon Summer Fiesta. Tatlong bagay lang naman ang naisip kong makamtan nuong araw na iyon. Una, bilin ang ika-pitong libro ni bob ong, ang Kapitan Sino. Pero habang nakapila ako sa loob ng komikon ay may nag-msg sa akin.

Pupunta ka bang book launch? Discounted ang price.
Saan ba?
Dito sa MOA.
Hala, e andito ako sa komikon. Hanggang anung oras ba?
12nn. May mga pupunta din diyan mamaya.

Hindi naman kasi komiks ang Kapitan Sino, pero bakit naman MOA pa?? Ang layo-layo. Pangalawa kong gusto e ang makabili ng unofficialuse t-shirts na may ABNKKBSNPLAKo?!! at Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Plilipino? Pero pagdating ko dun e ubos na ang sizes. 0 out of 2.

At least  nagawa ko yung pangatlo, ang bilin ang ika-limang Kikomachine Komix, Alab ng Puso Sa Dibdib Mo’y Buhay! Kaya kumpleto ko na ang compilation series ng komix na kinatatampukan ng mga estudyante’t guro, tindero’t mga gwardiya, drayber, kadorm, kaklase, kagrupo sa project, kasakay sa dyip, katabi sa exam, atbp. Asteeeg.

Kikomachine Komix

At may bonus pa. Bukod sa mga cute na mga girls na kahit matagal umusad ang pilang pinilahan ko naging sulit na rin, dahil ang nakuha ko naman sa dulo ng pila na iyon ay pirma galing kay Manix Abrera! Na pinahirapan ko pa kasi lima yung pinapirmahan ko sa kanya, hehehe:P

Autograph from Manix Abrera

Pero over-all, OP na OP ako dun sa komikon dahil hindi naman nga talaga ako komiks fan, hehehe:P ‘Tas wala pa naman ako kasama, hehe. Hindi rin ako hardcore manga o anime fan. Anung malay ko sa mga dun e hindi nga ako marunong magdrowing. Nagfi-feeling lang ako, haha. Sa iSketch pwede pa, pero cartoon characters? Goodluck. Pero ngayon ko lang naalala, may comic strip akong ginawa nuong elementarya pa ako, sa likod ng Math 6 notebook ko. Full-page comic strip. 7-frame silent cartoon. Teka, hanapin ko kung may picture ako.

After 10 minutes. Wala pala, hehehe. Pero meron ako dito, yung trip kong idrowing nuong hayskul. Parang itatato lang na henna na ewan. Nag-uubos ako ng tinta ng bolpen nun.

Metal Shark

*Nga pala, dumaan na lang akong Powerbooks Trinoma para bilin ang Kapitan Sino:)

nonfiction

3 Comments » May 17, 2009 » 49 days ago
writings

Stargirl. Yan na ata ung pinakaunang English Fiction book na nabasa ko. Niregalo sa akin ng bestfriend ko nung birthday noong 2004. Ilang beses ko na ring nabasa ang librong yan at sobrang natuwa ako nung nilabas ni Jerry Spinelli ung Love, Stargirl. Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na may pangatlong libro ang Stargirl series. Baka dun sa librong un, magkasama na sila ni Leo.

Nicholas Sparks. isa sa mga paborito kong author. Fiction lahat ng libro na isinulat nya na panay tragic love stories ang tema. Halos lahat ng libro nya, namamatay ang bidang babae o lalake. Pero kahit ganun, nagustuhan ko kung pano sya magsulat, nagustuhan ko ang mga kwento kaya naman nakumpleto ko lahat ng libro nya. Kung papipiliin ako ng pinakagusto kong libro nya? A Walk to Remember, hands down.

Kumpleto ko ang Kare-Kano series. Binili ko ung The Omnibus ng Azumanga Daioh!. Meron akong libro nina James Patterson, Sophie Kinsella, Cecilia Ahern, Sarah Dessen, at syempre ni Bob Ong. Kapag nagpupunta ako ng bookstore, dumidiretso ako dun sa Fiction section, mapa-adult pa yan o teens. Kung pupwede lang basahin lahat ng librong nasa mga shelf eh ginawa ko na. Kung pwede lang tumira sa loob ng bookstore, eh lalong mas ok sa akin un. Sa sobrang gusto kong magbasa, minsan na rin akong nagapply dun sa bookstore na pinupuntahan ko, kaso, di ako natanggap.

Fiction. Halos lahat ng nababasa kong libro eh fiction. Hindi ko na mabilang kung ilang libro na ang naiyakan ko at ninais na ako sana ung bidang babae. Gusto ko maging happy ending din ang kwento ng buhay ko, ang love story ko. Ung huling fiction book na nabasa ko eh ung The Time Traveler’s Wife. Ang hirap nga lang kapag fiction na love story, medyo nagiging predictable na ang ending. Lalo na kapag may sinusubaybayan kang author. Alam mo na kasi ang estilo ng pagsusulat nya, alam mo na kung ano ang takbo ng utak at galaw ng pluma nya. Kaya nga natuwa talaga ako dun sa The Time Traveler’s Wife eh, dahil nagenjoy talaga ako sa pagbabasa. Sa dami na rin kasi ng nabasa kong Fiction books, feeling ko nabasa ko nang lahat.

So ano, nakabili ka na nung libro?
Oo.
Ayan, basahin mo sa akin.
Hmm, parang di ko gusto eh. Fiction kasi.
Ay ganun?
Oo, parang ung MacArthur.
Ang hirap nang makahanap ng magandang fiction book eh. Parang nakakasawa na rin kasi, predictable na.
Di mo na kailangang maghanap pa ng iba. Ako, hindi na ako fiction lang. Totoo na ako.

Halos lahat ng kwento ko sa dito blog, fiction. Panay tungkol sa ideal na lalake. Naimpluwensyahan na rin kasi siguro ng mga paborito kong author ung tema ng mga isinusulat ko. Ako, hindi na ako fiction lang. Totoo na ako. Di ko na maalala kung yan nga ang eksaktong sinabi nya sa akin. Pero di nga kaya, isang dahilan kung bakit di ako makapagsulat ng tulad ng dati eh dahil nakilala ko na ang taong laman ng mga kwento ko? Siguro nga. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.