birthday sign

Posted almost a year ago inlove

image

Ilang araw na din akong nagiisip kung ano pa nga bang gimik ang hindi ko pa nagagawa para sa birthday ni Arvin. Video? Check. Sing and dance? Check. Wala na akong maisip na bonggang birthday gift para sa mahal ko ngayong taon. Kaya heto ako, dalawang oras bago magalas-dose, gumagawa ng entry gamit ang aking telepono. Buti na lang malakas ang wi-fi connection dito sa ospital.

Wala naman yan sa kung gaano kabongga ang regalo diba? Nasa thought nga daw. Eh kung malapit lang ako sa kanya ngayon eh malamang sa malamang may date kami ng birthday nya. Mabibigyan ko sya ng regalo, damit siguro o bagong relos, tapos mababati ko pa sya ng happy birthday tapos kiss. Sasamahan ko syang magsimba at kakain kami pagtapos. Hay, taon-taon ko na tong nasasabi, kung pwede lang na umuwi ako para sa birthday nya eh di ginawa ko. Sana pala sumama ako kay Bruno Mars, nasa Pinas sya ngayon eh.

Ayan, birthday na ni mahal. Happy Birthday mahal ko! Isang birthday sign para sa’yo. Intayin mo na lang ung card na pinadala ko ha. At saka may ano pa. Basta, secret. Hehe. I Love You! Happy happy Birthday mahal. :)

1000 ways to die

Posted almost a year ago blabbers, buhay SATown

image

Yan ang lang nasa isip ko habang nagmamaneho kanina, papasok ng trabaho. Pero naisip ko, hindi naman ako kasing-sama nung nasa show. Hindi ko pa oras mamatay.

Nasa harapan ko ang isang construction truck (see attached image) kanina. Dun nagsimula ang pagiisip ko na paano kung biglang maluwang lang pala ang pagkakalagay ng locks dun sa, hmm, kung ano mang tawag dyan. Tapos eh magsslide ito papunta sa akin. Tumingin ako sa kaliwa ko, may sasakyan. Trapped ako, wala akong ibang mapupuntahan. Nung nagstop dahil nakared ung stoplight, naisip ko kaagad na iiwanan ko na lang na umaandar ang sasakyan ko, at mabilisang tatanggalin ko ung seatbelt sabay alis ng sasakyan. Wala nang oras para kunin pa ang bag ko. Basta ang importante, buhay ako.

Dahil na din sa takot kong baka magslide nga ung, kung ano man yan, sinigurado kong malayo ang distansya ko dun sa truck. Mahirap na, baka biglang umatras eh mabangga ako. Buti na lang country music ang pinapatugtog ko, napakalma pa ako ng kahit papano.

Alam kong morbid ang iniisip ko, pero matapos kong mapanood ung 1000 ways to die, dun ko nalaman na posibleng kahit ung simple pagkain lang ng marshmallow eh pwede mong ikamatay. Nagiingat lang talaga siguro ako. At paranoid na din.

Buhay pa naman ako. Halos pareho kami ng binaybay nung truck kaya naman nung nakapagpark na ako, saka lang ako nakahinga ng maluwang. Note to self: hindi na ako magpapalate bukas. Isasama ko na din ang mga construction trucks sa mga dapat iwasan, kasama ang school bus at PUB.

mimay was here

Posted almost a year ago blabbers

Simula pa nung Komski Quotebox na nauso noong mga unang taon ko ng blogging, hindi pa man kami ni Arvin noon, eh talagang sinuportahan ko na sya. Sabi nga ng mga kaibigan kong blogger, kahit saan daw akong malipat na blog, andun at hindi pwedeng mawala ang Quotebox na gawa ni Arvin. Sa sobrang pagsuporta ko nga, nagawan ko pa ito ng blog entry dati na inilagay ni Arvin ung intro sa site mismo.

Mahilig ba kayong magpaganda ng inyong blog? ung tipong, maraming laman na talaga namang maaaliw ang iyong mga taga-basa? o trip mo naman ang magbasa ng kowts? tamang-tama, narito na ang komski quotebox.. kung saan marami kang pagpipilian na iba’t-ibang quotes.. mapahango sa bibliya, galing sa mga libro, love quotes para sa mga romantiko, anime para sa mga mahilig sa anime (duh!), computer and programming quotes para sa mga tulad kong computer geek at mrami pang iba..

maaari mo rin itong baguhin ang itsura para naman bumagay sa iyong current layout.. o diba? san ka pa.. kaya naman kuha na!

Kung hindi pa pagmamahal ang tawag dyan eh ewan ko na.

Ang dami nang online projects na ginawa ni Arvin kaya naman naisipan ko na regaluhan sya ng sarili nyang domain noong isang pasko. At dyan na nga nabuhay ang sudocode.net. Dyan nya nilalagay ang lahat ng mga scripts, projects na ginagawa nya. In fairness, dumadami na din ang readers at fans nya. Kapag hindi ko sya makausap ng maayos, ibig sabihin lang nun eh may on-going project sya. Naiintindihan ko naman un, gusto ko nga na may pinagkakaabalahan sya. :)

Ayan, ang pinakalatest nyang project ay itong “Was Here” app. Ilalagay mo lang ung script, na nasa link, sa blog or tumblr page mo tapos gamit ang Facebook, malalaman mo na kung sino-sino ang mga bumibisita sa blog mo. Kailangan lang i-click ng mga readers mo ung I Was Here button at maglogin sa Facebook, i-refresh ang page at pagtapos ay ayan lalabas na ang mukha nila. Hindi na pwedeng magstalk, well, un eh kung nakalogin sila sa Facebook habang binobrowse ang page mo. Ang cool diba? At since mawawala na ang MyBlogLog, pwede na din itong pamalit. :)

Dahil supportive akong girlfriend, nilagay ko na din sa tumblelog ko. At syempre, ginawan ko na din ng entry. Parang ung Komski Quotebox lang. :) Hopefully, i-try mo din. ^_^

Isa pa pala, kung isa kang Tumblrista na gumagamit ng Picasa, why not i-try mo ang Picasa 2 Tumblr script na ginawa din ni Arvin. Para isang click mo lang sa Picasa, mapopost na din ito sa tumblr mo. (kung hindi nagloloko ang tumblr) ^_^

PS.

May option pala na gawing public o private ung pagbisita mo, kaya ayan, pwede ka pang magstalk ulit. :)

PSS.

Ok, bago mo pala magamit itong app, may kailangan ka lang palitan.

<script src=”http://sudocode.net/apps/was-here/widget.php?url=http://URL/“></script>

Sa part na yan ng script, palitan lang ung URL sa URL ng blog mo and you are good to go. Sensya na kung ang daming changes, kakagising lang kasi ni Arvin, nagulat sya na ginawa ko, na medyo napangunahan ko pa. :P Hehe.

crazy little thing called love

Posted almost a year ago inlove, ldr

Dahil sa wala akong magawa, hindi ko pa din kasi makausap si arvin dahil wala pa silang internet. Halos tatlong araw na din, sobrang miss ko na sya. Buti na lang nakakatext ko pa sya, pero gusto ko pa din syang makita kaya nagrequest ako na magsend sya ng MMS. :)

Anyways, dahil nga sa wala akong magawa at dala ng pagkamiss ko kay arvin, naisipan kong panoorin ulit ang Crazy Little Thing Called Love. Sa mga di nakakaalam o panood nito, isa itong Thai film, highschool ang setting, may gusto si babae sa isang lalake. Ayoko nang ikwento, basta maganda, nakakakilig, hanapin nyo na lang sa torrent o kaya youtube.

Ayun nga, naisipan kong panoorin ulit ung movie, pero ayoko na sa PC lang. Gusto ko sa big screen. Kaya naman, naisip ko, “pwede kayang manood ng movie from USB na nakasaksak sa Xbox?” Ginogoogle ko ito kaagad at nalaman kong posible nga. Sinave ang movie sa usb na bigay sa akin ng katrabaho ko para sa database na ginagawa namin. Matapos ang halos isang oras na paguupdate, pagawa ng Xbox Live account dahil kailangan ko un bago magplay ung movie, successful ang panonood ko ng movie. Si Mario Mauer, nasa loob ng 55-inch tv, ang laki ng mukha. Sobrang gwapo talaga. Nakisabay na nanood kapatid kong babae, walang kilig galing sa kanya. Hindi pa kasi naiinlab.

Ayun, ilang araw ko nang hindi nakikita mahal ko. Sana talaga maayos na ng Smart ung internet nila. Gusto ko nang makita ulit sa webcam, marinig ang boses saka basta miss ko na sya.

Ang gwapo ni Mario Mauer, pero pipiliin ko pa din si Arvin anyday. Ok, no competition pala dapat un, hehe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.