dahil almost one month na akong walang post
Naisipan kong dito na lang sa kundiman magupdate. Lagi na lang akong sa tumblr naglalagay, baka magtampo na itong kundiman. Naging eventful itong araw ko ngayon. May hindi magandang nangyari, meron din namang pambawi. Umpisahan ko ung di masyadong maganda.
Investigation. Yan ung sabi sa amin nung director namin nung ipatawag kami ng mga katrabaho ko. Inassure nung director namin na wala naman kaming kasalanan, kailangan lang kaming tanungin. Matapos kaming tumambay ng ilang minuto sa conference room, lumipat kami sa Human Resources. Hindi ko pa din alam kung ano ang gulong napasok ko. Isa-isa kaming tinawag sa loob. Hanggang ngayo’y wala pa din akong kaalam-alam sa nangyayari. Hangga’t sa dumating na ung oras ko, ako na ang pinapasok sa loob. Nagkasalubong kami nung isa kong trabaho pero di nya ako tiningnan o binati man lang. Goodluck.
Pagpasok ko sa kwarto, andun ung director ko at ung HR manager. Closed door meeting — isang desk at tatlong upuan. Dalawa silang nakaharap sa akin. Nasa hot seat ako. Nagumpisa na syang magtanong. Kanta. Tinanong ako kung may naaalala ba akong insidente na may kinalaman sa isang kanta. Nung umpisa’y wala akong maalala, pero ayun na, nagclick na sa akin. Kanta ni Bruno Mars. Biglang bumalik ang nangyari ng araw na iyon.
Dahil hindi pwedeng pagusapan ang nangyari, isu-summarize ko na lang. May nagreklamo. May nareklamo. Kailangan kong magbigay ng statement. Pinirmahan ko pa. Feeling ko eh isa ako sa mga nasa witness protection program dahil confidential daw ang mga sinabi ko. Naawa ako dun sa nireklamo. Naawa din ako sa nagreklamo. Napakahirap dahil kilala ko sila pareho, hindi lang katrabaho, kundi kaibigan. Naiyak ako, ewan kung bakit. Basta. Iyakin talaga ako. Matapos ang pagtatanong, nagpasalamat sila sa akin sa pagiging honest. Ayoko nang malagay sa ganung pwesto. Napakahirap. Paglabas ko ng kwarto, sinabayan ako ng director ko. Sorry ako ng sorry, pero pinigilan nya ako, thank you daw.
Umpisa pa lang ng araw ko yan. Gusto ko nang umuwi.
Buti na lang, there is something to look forward to. Ngayon na kasi ang uwi ng tatay ko. Sinundo namin sya sa airport. Sana talaga katulad ng San Antonio ung airport ng Pinas. Para kahit hanggang sa loob eh makasama ung kamag-anak. Sana lang ganun, hehe. Anyways, ayun, di naman nadelay masyado ung flight ng tatay ko. Nakita namin sya kagad at nakuha ang bags. Paguwi, pasalubong time.

Kanya-kanyang kuha. Halos isang buwang grocery ata ung dinala ng tatay ko. Mga tsitsirya galing sa mga pinsan at tita ko. Heaven. Sobrang heaven. Basta akin ung Cheez-It.
This convo also made my day.
ako: dad, di na pala ako June uuwi. December na lang po.
dad: o bakit?
ako: ikakasal kasi si Treng, bridesmaid po ako.
*lingon at tingin sa akin*
dad: eh aba, magpapayat ka na.
Pumayag ang tatay ko, un ang mahalaga. Sa isang kondisyon, kailangan kong magpapayat. March pa lang ngayon, December pa ang kasal. I have 9 months para magpapayat. Goodluck.







