After 48 years…
Uhm, not exactly.. at hindi rin yung mga bata sa litrato sa itaas na kinunan sa pinakaunang class christmas party na naattendan ko nung kinder 2 ang tinutukoy ko kahit na sobrang matagal na nga rin yan ano.
Ang tinutukoy ko ay ang Father Louis Chauvet of Levesville-la-Chenard, France Class, Batch 2004. In short, Chauvet /sho-vey/ o kung ikaw ang 4th Level Coordinator namin, FLC /ef-el-si/. Si Louis nga pala ay ang nagtatag ng Sisters of St. Paul of Chartes Congregation. Siya ang naging lider ng fede, este, kongregasyon ng mga madreng may layong magturo sa mga mahihirap na anak ng mga magsasaka sa kanilang lugar.
Dahil sa kanya kaya natatag ang St. Paul School System.
After 4 years a magkikita ulit kami, uhm, medyo kasi nagkita-kita rin naman nung panahon ng mga debut so parang 2 years? Pero sa bilang na 31 out of 54, ito na siguro ang pinakamaraming expected na pupunta at dahil sa Pasko na sa makalawa ay ayun, edi may Christmas party kami, hehehe:P
Apat na taon. Madami-dami na rin ang nangyari, maraming nagbago, meron din namang hinde. At nagmiting nga kami nuong Sabdo kung anu ba ang mga mangyayari sa Linggo.
Ayun, may nakaisip na gumawa ng mga espesyal na listahan na tipong Top Ten Love Teams nuong high school. Best One-Liners na huhulaan kung sino ang nagsabi. Mga teachers na pinaiyak at pinagalit at kung anu-anu pang paniguradong magbabalik ng mga alaala ng mga panahong nakalipas na siguro naman e worthwhile alalahanin.
At sana ay pumunta ang mga bibigyan namin ng Buhay Ka Pa Ba? Award para masabi namin sa kanya na buhay ka pa nga.
Grabe, 4 years? Anu nga ba ang mga mangyayari ano? Ewan, pero paniguradong mag-eenjoy kami lahat dun dahil magkikita-kita na naman kami:
Ito ang pang-walo naming post para sa Christmas series ngayong Pasko. Grabe, araw-araw magpost? Adik di ba? Hehehe. Abangan na lamang ang aming podcast bukas:D para sa finale.
ang bilis ng panahon..
..na parang kahapon lamang ng sila’y nagsimulang magkakilala at magka-ibigan. nangakong magmamahalan at di maghihiwalay sa kabila ng mga problemang maaari nilang maranasan sa hinaharap. naging matatag ang pagsasamahan at naging matalik na magkaibigan sa paglipas ng panahon. naging saksi kami ng mga kapatid ko sa pagmamahalang walang hanggan at wagas. :)
dalawampu’t limang taon. mapakahaba na kung tutuusin, quarter of a century na. pero ito pa lang ang simula pa ng mas mahabang samahan for better or for worse. :)
ito po ang pampitong Pasko post sa pakulo namin ni Arvin. hindi related sa Pasko ang post ko ngayon, pero nirequest ko talaga kay komski na ako ang magpost ngayong araw, para sa pagce-celebrate ng 25th Wedding Anniversary ng mga magulang ko. :) siomai, ang tanda ko na talaga.. :P hehehe.
Sa TV ko lang nakilala si Santa.
Kaya wala akong nakaraan kung saan susulat ako sa kanya ng mga gusto ko matanggap tuwiong Pasko. At hindi na rin ako nagwoworry kung naging naughty or nice ako all-year round, hehehe.
Korny nga siguro nung bata ako dahil kasama ako kapag binibili yung regalo ko pero babalutin pa rin para sa araw ng Pasko bubuksan:P Ang naaalala ko lang na may tipong Santa rumor e dahil ang kwento sa amin ng mga isang kalaro namin dati e may naghulog ng regalo sa bubungan nila na parang stick ng kwitis lang. Wala daw kasi silang tsimineya.
Na panigurado naman e inihagis lang ng tatay niya mula sa labas. Hindi ko naman natanong kung buo pa yung robot na nakuha niya. Siguro.
Ikaw ba? Pinaniwala ka ba ng mga magulang mo kay Sant nung bata ka pa? Kung oo, naniwala ka ba at hanggang kailan? Kung hinde, apir!









