kundiman-ngayong-pasko

kundiman ngayong pasko

Posted 3 years ago ldr

sana ngayong pasko.. gusto ko ung version ni Lea Salonga. una kong narinig yan nung pinatugtog ng pinsan ko ung album ni Lea at sinabayan nya ito. 2004 un eh. malungkot ung kanta pero dahil sa boses ni Lea, nagustuhan ko ito.

ay maalala mo pa rin ako.. kasama ko ang dalawa ko pang katrabaho, nagkaroon kami ng videoke session. nakita ko ung kanta, kaya naman un ang pinili kong kantahin. ramdam na ramdam ko ung kanta kahit na di ko pa naman nararanasang iwan ng minamahal kapag Pasko. after nung videoke session namin, di na ako tinantanan ng pangaasar ng mga kaibigan ko. March pa lang kasi, Christmas song na agad ang kinanta ko. :P

hinahanap-hanap pag-ibig mo.. Pasko 2005. unang Pasko dito sa Amerika. malayo ako sa mga kaibigan at minamahal. ayokong pakinggan ung kanta, alam kong malulungkot ako. pero wala akong magawa, lagi ko itong naririnig sa tuwing nanonood ako ng variety shows sa TFC o GMA Pinoy TV. at di rin nakatulong na meron akong mp3 nung kanta sa computer namin.

at kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako.. Pasko 2007. last year na ata ung pinakamalungkot kong Pasko. palagi pa rin akong hinahabol ng aking nakaraan. di ako madaling makalimot, at oo, umasa pa rin ako na magkaka-ayos kaming dalawa. na bago pa man magPasko ay magiging maayos kaming muli.

muling makita ka, at makasama ka.. pasko rin last year nang mapakinggan ko ung version nina Yeng Constantino at Jayr Siaboc. sakto duet na, may minus-one pa. kaya naman dali-dali kong kinausap si komski para mairecord namin ung kanta, pumayag naman sya. sinend ko sa kanya ung part ko dun sa kanta, pero natapos ang Pasko, di namin nairecord ung kanta. may sakit kasi sya nung mga panahong iyon. nangako syang irerecord na lang namin ung kanta next year.

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Sana Ngayong Pasko – komski & karmi

sa araw ng pasko.. Pasko 2008. natuloy ang pangako, nairecord namin ang kanta. ni hindi ko inisip na maipopost ko itong kanta ngayon na patungkol kay komski, na sana nga ngayong Pasko ay makasama ko sya. kasama sa mga christmas party, mamili ng regalo o kaya’y magsimbang gabi. haaay, bat kasi long distance na nga, online realtionship pa.  di ko tuloy sya mayakap o kaya mabatukan kapag inaasar nya ako. :P pero kahit na magkalayo kami ngayong pasko, masaya pa rin naman ako. :) masayang naghihintay ng Paskong sa wakas ay makakasama ko na rin sya. :)

ito ang panglimang Pasko-post namin ni komski. pakinggan mo ung audio file ha, salamat. ^_^

Sino sina monito at monita?

Posted 3 years ago Uncategorized

Wala akong makitang info tungkol sa kanila sa Wikipedia. Wala namang kahalintulad na tradisyon ang mga tao sa Mexico kung saan ang tawag sa exchange gifts ay Amigo Secreto or Amigo oculto na ang ibig sabihin ay Secret Friend.

Tuwalya, panyo, picture frames at angel figurines; parang salit-salit lang ata silang natatanggap at ibinibigay ko kada christmas party namin nung elementary at highschool. Hmmm, may isang na-stuck sa utak ko na binigay sa akin nuong elem na nung binuksan ko sa classroom namin ay itinago ko kagad sa bag ko matapos kong masilip na gawa ito sa isang makapal at malambot na tela. Tuwalya naisip ko, pero nang buksan na ng nanay ko pagdating sa bahay ay nagulat ako na ang natanggap ko pala ay isang light yellow na sweater.

Ang nagbigay sa akin nun ay si Strawberry Bulatao. Ang alam ko ay galing ang angkan nila sa Baguio, siguro dahil sa pangalan niya. Hindi ko ata sinuot yung bigay niya kasi hindi ako mahilig sa dilaw.

Oo, naalala ko pa ang pangalan niya dahil yan ang gamit nilang panukso sa kanya dati.

Hindi rin naman ako ung partikular na taong matutuwa ka kapag nalaman mong nabunot kita. Naaalala kong nuong sophomore year namin ay ang setup na ginawa sa exchange gifts e yung hindi mo talaga malalaman kung sino ang nagbigay dahil iiwanan sa isang lugar ang mga regalo ‘tas tsaka ipapamigay, tipong botohan sa Survivor. Hinde, kahit vice-mayor ako e hindi ako ang pasimuno nun.

Pagdating ng Enero e narinig kong sinabi nung nabunot ko na binalot niya ulit yung bigay kong pabango na hindi rin ako ang bumili at ibinigay na lang niya sa iba. At least, dahil sa akin e nakatipid siya ‘di ba?

Binigyan ko ng pambatang wallet yung kaibigan ko nung nabunot ko siya nung first year kami. At kung ako rin naman e hindi ako matutuwa kung ganun ang matanggap ko. Nakipagtalo pa nga ako sa nanay ko dahil alam kong pangit ipambigay yun, hehehe. Pero wala naman akong ibibigay na iba siyempre:P

Pero tumama naman ako isang beses ng bigyan ko ang kaklase ko ng tatlong maliit na throw-pillows. Natuwa siya kasi sakto, Hello Kitty yung design na hindi ko naman sinadya. Kinuha ko lang naman yun sa tinda ng lola ko, hehehe.

Hello Kitty

Ito ang Ika-apat na post namin para sa serye pampasko na ito namin ni karmi baby ko na wala pa ring title, hehe. Sana next year meron na:)

uso pa ba un?

Posted 3 years ago Uncategorized

greeting card? uso pa ba un?

natawa talaga ako dun sa ikinuwento sa akin nung isang gabi ni Arvin. may lalake syang nakausap at nagtaka na bibili sya ng card. nung una pa nga akala nya’y Magic Cards daw, pero un nga nagulat sya nung nalaman nyang greeting card.

greeting card ang ginagamit madalas (noon, nung hindi pa uso ang e-mail, e-greeting, at lahat ng mga bagay na pwedeng gawing electronic) lalo na kapag ganitong may okasyon para maipadala ang pagbati sa mga mahal sa buhay — nasan mang panig ng mundo. mabenta ang mga cards at mahaba ang pila lagi sa mga post office, kaya rin siguro may nakaisip ng electronic way to send love.

kahit na internet savvy na ang mga tao ngayon, once in a while ok rin na maging old-fashioned. 2 years ago, nagpadala ako ng card sa mga barkada ko. 5 silang pinadalhan ko, natanggap nung 4, ung isa hindi dumating ung sulat ko. tsk, akala ata nila may lamang pera un dahil Pasko nga. ngenge sila, ako magpapadala ng pera? hahaha. sure. :P last week natanggap ni arvin ung christmas card ko para sa kanya. buti na lang naipadala ko ng maaga, at buti na lang din natanggap nya.

old-skul na nga ang pagpapadala ng sulat/greeting cards. matagal mo pa bago matanggap dahil ilang linggo bago dumating pero, nakakatuwa talaga ung may matatanggap kang puting sobre na makikita mo ung address ng sender eh galing sa kabilang panig ng mundo. :)

wala akong maisip ipost para sa pasko post natin eh.
anu nga kayang maganda?
hmm, balak ko eh Christmas card. kaso, di naman Christmas card ung huling natanggap ko galing sayo.
andito pa ung Christmas card mo eh, di ko pa napapadala..

<3 greeting card

anung petsa na, Pasko na next week pero di pa napapadala ni Arvin ung card. malamang next year ko na marerecib yan, pero ok lang. huli man daw at magaling, huli pa rin. :) hehehe.

ito ang pangatlong post namin dito ni komski na Pasko-related. wish ko lang makaisip na kami ng title bago pa magpasko. :) wish ko lang. ^_^

Ikaw ang Aking Tala.

Posted 3 years ago Uncategorized

Isang talang naging higit na makinang pa kaysa sa ibang mga bituin. Talang sa kadiliman ng gabi’y kanyang ngiti’y agad-agad na mapapansin at ang binibigay niyang liwanag sa aki’y ‘di lubos kailanman nakayanang pangarapin.

Ikaw ang aking tanging talang pilit hahanap-hanapin sa karagatan ng langit na nag-uumapaw sa ibang bituin. Liwanag mo’y hangin sa kalaliman ng gabing madilim na kung mawawala’y tuluyan akong lulunurin.

Ikaw ang talang para sa akin lang magniningning. Pagmamasdan ka’t ‘pagkat ‘di pa kaya ng mga kamay kong ika’y aking abutin. Ngunit ang makita ang liwanag mong angkin ay sapat na hanggang sa tahanan mong langit ay ika’y aking tagpuin.

Ramdam ko sa liwanag mo ang init ng yakap mo sa akin. Malayo man ika’y di mawawaglit sa tanaw ko’t oras-oras iisipin sapagkat ikaw aking tala,  ang talang habambuhay kong aangkinin.

Ayan, ikokonek ko na sa Pasko ang tula, hehehe:P

Isa sa mga karaniwang palamuti tuwing Pasko ay ang parol. Isang hugis bituin na gawa sa kawayan at papel o iba pang klaseng materyales na sumisimbolo sa Bituin ng Jerusalem na nagningning sa lugar kung saan ipinanganak ang ating Panginoong Hesukristo.

May sarili akong version ng bituin na yan, si karmi:D hehehe, kasi nga di ba, Christmas season last year ako nagsimulang magkagusto sa knaya, hehehe. Yiheee:P Tipong noon siya nagsimulang magliwanag sa buhay ko, ang aking tala.

At meron din akong sariling version ng Parol! Eto o, kinanta ko yung sa Silent Sanctuary, hehehe:D Love you baby!

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Ayan, ito na ang pangalawang araw sa blog version namin ni karmi sa Countdown to Christmas kuno na blog entries:D Na walang maisip na title!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.