Maala-ala ko kayaThursday, November 6th, 2008 with 14 Comments »

Isang gabi, habang nagpapahinga kami sa paggawa ng project namin sa Social Studies, na hindi ako sigurado nun kung matatapos namin, ay biglang naisipan ng kaklase kong ipakita ang mga nakuha niyang scanned pictures nung Intrams. Isa-isa naming tinignan, hanggang sa makarating kami sa litrato sa itaas.
Ang kaklase kong lalakeng inaantok ata habang pinagtitripan ng [...]

Iba ang nakikita sa nadarama.Wednesday, July 30th, 2008 with 24 Comments »

Wala na ata, di na natin mahahanap yun.
Haaay.
Ang lakas pa rin ng init ng araw at mukhang masusuyod na namin ang walang hanggang dalampasigang aming nilalakaran ngunit hindi pa rin matatanaw ni anino ni Fermit, oo, Fermit the Crab. Bumalik kami sa aming pinanggalingan, at tinungo ang mahabang daungang nakaturo sa papalubog nang araw.
May isda [...]

Walang hanggang dalampasigan.Thursday, May 22nd, 2008 with 27 Comments »

Arviiiin, may nakita akong hermit crab kanina, kaya lang nakawala e. Nabitawan ko kasi nung lumabas siya sa shell.
Naka-pout ang kanyang mga labi at nangingislap ang mga matang animo’y malapit ng maluha. Para lang isang anime character at oo, ang cute niya. Malayo pa lang ay nakita ko na siyang inaantay akong makalapit sa kanya, [...]

Siya lang ang pwede kong titigan nang hindi ako nagmumukhang tanga.Sunday, January 27th, 2008 with 9 Comments »

Malamig sa loob ng classroom.
David, right?
Yes ma’am.
Hindi ako nakapag-aral kaya’t paniguradong wala akong masasagot sakali mang matawag ako. Malay ko ba sa mga inner joins, set divisions at symbolic calculus. Hindi ko rin nasimulang magsulat ng notes para sa klaseng ito, kaya’t nakatago pa rin sa bag ang notebook kong puro drawing lang ang laman.
Naroroon [...]