August 21, 2008 » 575 days ago
buhay bahay, maalaala ko kaya
Pinikturan ko ang mga achives ko kahapon, ayon na rin sa tip ng isang photography blog. At nakita ko ito, isang graphing paper mula sa notebook ko sa trigonometry class, taong 2002-2003. Under kay Mr. Feliciano, pinagdadala kami ng calculator every meeting at yun nga, nakalimutan ko minsan dahil nag-aral ako kinagabihan at di ko naayos yung bag ko, hahaha. Oo, nag-aaral ako dati sa bahay.

Out of frustration, ayan.. Isang DIY calcu mula sa papel, maraming functions yan. Marami ring memory slots, and I bet yung bagong version niyan e pwede magbrowse sa web gamit ang WIFI. Yun nga lang, kelangan mong idrowing lahat ng yun:D Hehehehe.
April 10, 2008 » 709 days ago
Litratong Pinoy

Sino nga naman ba ang makapagsasabi, noo’y kinuha ko ang aking huling exam sa math, akalian mong may silbi pa pala sa akin ang kinaaasaran kong subject na ito pagkatapos ng araw na iyon. Pero hinde para maka-solve ako ng isang problem tulad ng pagkuha ng distance between points A and B, o area directly below a continuous function g(x) and above the x-axis, double at triple integrals, optimizations, limits, roots, o pati na rin space at time complexity O(n). Maniwala ka, wala akong ideya sa mga pinagsasasabi ko ngayon-ngayon lang. Pero dahil sa kategorya para sa linggong ito ng Litratong Pinoy ay binuklat kong muli, este, binuklat ko na sa wakas ang aking libro sa math.
Ayan, makikita sa litrato ang gradient function (ata) denoted by the inverted greek capital letter delta which can be solved by evaluating the integral hmmm… hindi ko nga pala alam kung paano. Basta, basahin mo na lang yung libro kung gusto mo malaman kung paano nga.
Pero meron din namang nakakatuwang bagay sa math, at yun ay ang iba sa mga guro. Para sa aming class na natapat sa araw ng mga puso, imbis na x ang variable name na ginamit ng titser naming si Sir Rovin, ay ♥ (heart) ang ginamit niya. O ha, we found ourselves finding ‘love’ instead of finding x on Valentines day. Paniguradong may naging titser ka rin na may kung anu-anong gimik at pakulo para lang huwag tayo antukin sa isang madalas na boring na lecture sa math.
October 15, 2007 » 887 days ago
Uncategorized

At least, nadagdagan ng tatlong oras ang oras ko bukas para sa pagrereview para sa mother-of-all exams, ang subject na may dalawa na akong entry posts, hehe…. [dan dara dan] ang CS 131 Finals. Ika ng ang kaklase ko, sa finals na ito masusuma ang lahat ng inaral mo sa matematika mula kindergarden hanggang kolehiyo. Kapag pumasa ako, ito na ang huli kong exam sa Math (sana sa buong buhay ko). Good luck to all of us=)
September 30, 2007 » 902 days ago
Uncategorized

Alaey, para bagang nagtetext laang (hinde, hindi ako batangueño). Ganyan talaga dapat, kasi naman, dalawang beses na akong bumagsak sa cs 131 exam. At syempre ay dapat this time ay pumasa na ako kundi ay wala na talagang pag-asa. Tapos na yung exam nung wednesday at ok naman. Surprising, but in a good note, kasi nasagutan ko lahat, as in lahat, ng problems=) Pero nalaman ko after nung exam na mali yung number 2 ko kasi iba dun sa sagot nila lester at pedro (magkapareho sila ng sagot). Sana pumasa na ako this time. Ayokong bumagsak na naman, pero hindi ko talaga kaya ang math haay. Good luck sa 'kin sa 4th, final at removal exams.
September 8, 2007 » 923 days ago
Uncategorized
Nakaupo ako sa sahig ng aming sala't nakasandal ang aking ulo sa may sopa. Alas nwebe y medya na't hindi pa ako nakakausad sa aking sinimulan na number 7 sa CS 131 probset na due dapat last friday pero buti na lang at walang klase. Kahit 3 ang napatay ni 'Egay', 500,000+ na katao ang nasalanta sa dala niyang matinding ulan at malakas na hangin at mahigit 20 milyon ang dulot niyang pinsala, kahit ganun, meron naman siyang at least isang estudyante na natulungan (kahit unworthy naman).
Iniisip ko kung pa'nong gagawin sa number 7, kung saan kailangan makuha yung conditioning number nung given matrix, gamit ang isang formula involving the inverse of the given 4×4 matrix. Ang iniisip ko ay kung tama kaya ang paggamit ko ng GJRM, dahil baka mamaya ay matapos ko ang pag-apply nito 'tas hindi pala dapat ganun ang gawin. Sayang lang.
Naisip ko tuloy na itext na lang yung kaklase ko pati na yung girlfriend ko=) kung pa'nong ginawa nila. At nung oras na iyo'y ginawa ko ang isang bagay na hindi ko kaagad-agad malilimutan. Inabot ko ang scientific calculator mula sa katabi kong center-table-turned-study-table, at nagsimulang pumindot…
Nakaabot ako sa pang-apat na pindot, na nakalimutan ko na kung anu-ano, bago ko narealize na hindi pala ako makakasend ng message na ang gamit ay isang calcu, hehe. Natawa na lang ako. Ewan kung antok ito o nadegrade na ang utak ko kakaisip ng mathematics. Kaya nga't nagpahinga muna ako't sinulat ko ito ngayon.
Ang sabihin mo, buti na lang at hindi ko paulit-ulit na pinindot yung equals, sa pag-aakalang 'message sending failed' ang 'syntax error' at maasar kasi wala atang signal, sabay tapat sa ilaw ng solar panel nung calcu. Hindi pa naman ako ganun kabaliw, at least ngayon hindi pa.