Pito

2 Comments » July 8, 2007 » 980 days ago
Uncategorized

Matalino ako… dati. Consistent honor student ako nung elementary at highschool. Ako ang pinagtatanungan ng mga kaklase ko dahil ako ang isa sa mga mas nakakaintindi, sa math, science, drafting, atbp.. Pero yun nga, hanggang sa alaala na lamang ang lahat ng ito, dahil nang tumuntong ako ng kolehiyo ay parang nagbago ang lahat, este baka ako lang. Nabobo na ako nang hindi ko man lang alam kung paano at bakit. Nabobo ako lalong-lalo na sa math. [ayoko talaga ng math] Sa programming lang ata ako medyo pinalad.

Magaling akong kumanta… nang sintunado. Ayoko ng mp3 players masyado, dahil kapag nakikinig ako ng mga paborito kong kanta ay hindi ko mapigilang makisabay ng kanta at hindi ko naman magagawa yun in public places syempre dahil kapag kumakanta ako sa bahay, malakas, todo-bigay, at minsan at may halong emote pa kapag malungkot na kantang punk o rock ang tugtog. [uulan sabi e] Paborito ko ngayon ay ang silent sanctuary, go listen to their songs=) at hindi nga pala ako sintunado masyado, gusto mo marinig?

Lumaki akong malakas… ang asthma. Pinanganak akong mas maaga sa inaasahan kayat nilagay pa ako sa incubator ng halos tatlong linggo. Nung bata ako’y pabalik-balik ako sa doktor dahil maglaro lang ng tumbang preso o pitik-bulag, maglakad sa annual foundation day parade, maiyak lang ng todo o kahit uminom lang ng malapot na concentrated sunny orange juice ay hindi na ako makahinga dahil sa sumpung ng hiiiika. Pero nung elementary lang naman yun dahil nawala na ata ang hika ko pagtuntong ng haskul, kayat nakasali na rin ako sa mga sports event tulad ng kadang-kadang, pukpok-palayok at games of the generals. Sa wakas ay naranasan ko ring magcamping=)

Mabilis akong matuto… ng mga simpleng bagay. Pero ang totoo, mabilis akong matuto kung maayos na naipaliwanag ang isang bagay. Nagbasa lang nga ako ng libro tungkol php at mysql then built komski.blogista.com after two months (mabilis ba yun?). Naging hustler(ewan pero term namin para sa sobrang galing) din ako sa nintendo family computer(famicom) dati. Mabilis akong magsawa sa mga old computer games dahil mabilis kong natatapos, hehe. Next, I learn through concepts and ideas, hindi details. Parang mas madali sa akin na tandaan yung big picture rather than the minute details. Next, I remember faces not names, visual din kasi ako plus medyo malakas ang aking imahinasyon. Tapos, mahilig lang talaga ako mag-isip, ng kung anu-ano, basta kaya ko isipin, iniisip ko. Kapag may ginagawa ako, madalas may iniisip akong iba, kaya nga mahirap magfocus minsan. Last, mahilig akong mag-analogy dahil ganun ako mag-isip, comparisons. Plus, nakakatuwa minsan. At malakas din ang aking random selective memory.

Nakakatuwa ako… kasi korni. Basta, mababaw lang naman ag kaligayahan at hindi naman talaga ako ganun ka-humorous. Pero nakakatawa naman ang mga hirit ko paminsan-minsan, tsumatsamba kumbaga. [korni korn korn] What’s the difference between conclusion and opinion? — Conclusion, hindi opinion.

Maayos akong tao… ‘pag pumuti na ang uwak. Magulo ako pagdating sa gamit. Iniiwan kung saan binitawan, ganun. Pero sa paliwanag nga ng titser ko dati, hindi naman talaga yun pagiging burara. Dahil kahit magulo ang mga gamit ay natatandaan pa rin naman namin kung nasaan ang alin. Kahit magulong tignan ay maayos pa rin ito sa isipan namin. Kaya nga kapag inayos ng nanay ko ang gamit ko ay naasar ako dahil, ang totoo, ginulo niya ito. Iniba na niya ang pagkakalugar-lugar na nakatatak na sa utak ko. Para kasi sa aming mga burara sa tingin ng iba, we could find sense in all these chaos. Kaya naming makita ang isang bagay kahit magulo ang paligid, di tulad ng iba na kailangan ay maayos ang lahat para lang makapamuhay ng maayos, di ba? Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito siyempre, hehe=) programming forcefully taught me to be neat. Learn it and know how.

Ang awkward ata i-explain yung panghuli na gusto ko sabihin. Siguro magbasa ka na lang ng iba ko pang entries at makikita mo ang revolving theme na nakapaloob sa mga ito. Tsaka nga pala, sa pagbabasa, think of generalities, and avoid if not never narrow down to something concrete like one person or one thing. Oo na, i got tagged at kahit ayoko talaga ng mga forward, sinulat ko pa rin ito para lang may maisulat ako.

Ma’am, may we go out?

2 Comments » December 28, 2006 » 1172 days ago
Uncategorized

sa konting sulyap
’sing tagal nang ’sang saglit
sa konting panahong
makita kang pilit

sa gilid ng matang
dumako sa ‘yong labi
ninais kong mahaplos
ang matamis mong ngiti

humarang ka sa hangin
na sa akin ang pag-ihip
nang madala nito
ang taglay mong samyo

tumapat ka sa liwanag ng araw
nang kahit man lang
anino mo’y lumapat
sa kamay ko’y aking masapo

ayoko talaga ng math

No Comments » July 11, 2006 » 1342 days ago
Uncategorized

Alam ko na kung bakit kahit anong pilit ay hindi ko makasundo ang subject na mathematics. Naisip ko habang nakikinig ako sa lecture ni Adorna, professor sa Discrete Mathematics. Hindi lumilipas ang labinlimang minuto ay tatlong punong blackboard na ang naisulat niya tungkol sa topic naming functions and relations na kahit alam ko ang ibig sabihin ay madali niyang nagagawang magulo at mahirap intindihin. Yun ata ang pinagkaiba ng higher math subjects kaysa sa mga ordinaryong kinukuha ng isang non-math-related course major tulad ng Math 1, mas magulong tinuturo ang karaniwang lesson. Naalala ko tuloy ang isa sa mga nabasa kong quotes sa Math category ng komski quotebox. Sabi ni George Polya, “Mathematics consists in proving the most obvious thing in the least obvious way”.

Hindi ko na kinokopya ang mga sinusulat ni adorna sa pisara. Ni hindi na nga ako nakikinig masyado. Ang huling tanda ko ay pinoprove niya ata na ang isang partial-order relation ay transitive, reflexive at anti-symmetric. Nakatingin ako sa labas at tinatanaw ang mga tao sa kalapit na new NIP building, pero hindi ko naman sila nakikita dahil ang ibig sabihin ng magkalapit na building dito sa unibersidad na napasukan ko ay aabutin ng ilang minutong lakad at hindi nangangailangang magdyip pa. ( napalayo ako ng kwento na parang nangyayari lagi kapag nagsisimula akong makinig sa lecture na ito, hindi maiwasang mapalayo ng iniisip )

Kapag sinisilip ko ang pisarang punong-puno ng mga pinaghalu-halong math, logic at statistical symbols (at meron ding imbento niya) ay hindi ko naman makita ang mga sinasabi niyang kabuluhan. Yun ata ang problema ko, masyado akong nahihirapan mag-isip ng sobra dahil kailangan talaga yun sa math. Kaya ayoko talaga ng math, para siyang joke na hindi ko gets ang punchline kaya hindi ako matawa. Alam mo naman siguro ang pakiramdam kung lahat ng nakapaligid sa iyo ay natatawa sa isang joke pero ikaw ay hindi. Pwede na ring ikumpara kapag nasa loob ka ng kwarto na puno ng mga kaklase mong mas magaling kaysa sa iyo.

Pero hindi tulad ng isang joke na hindi mo magets, hindi mo pwedeng pekein na lang ang tawa mo kapag hindi mo maintindihan ang lesson mo sa math.

Baka nga mapaiyak ka pa.

math instructor

No Comments » July 11, 2006 » 1342 days ago
Uncategorized

sa pagtuntong mo sa ating silid-arala’y
hindi ko na maialis sa iyo aking mga mata.
sabihin man nilang mahirap ang math ay
magiging paborito ko, pagkat ika’y makikita.
mali man itong dahilan sa pagpasok ngayo’y
sadya naman akong walang magagawa,
dahil kahit walang credits ‘tong subject na to’y
mag-eenrol pa rin ako’t magkakandahirap pumila.

kahit madugong triple integral ang nakasulat
ay magiging maaliwalas pa rin ang pisara
dahil nasasapawan ang magugulong mga equations
ng natatangi mong ganda, sobra.
kahit ilang unknowns pa ang ipasolb mo sa aki’y
tamang sagot ay sisikapin ko pa ring makuha,
kung idudulot nito’y isang matamis na ngiti
sa iyong mukhang nakabibighani… sinta

uupo ako malapit sa harap nang baka ang hanging
umihip sa iyo’y sa akin mapatungo’t
malanghap ang samyo ng iyong pabango.
pakikinggan ko ang tinig mong itatanim ko sa
aking isipan, na kahit isang lesson na hindi
ko naman maintindiha’y alalahanin pa rin
sa buong araw’t magdamag.

ituturing kong mga loveletters ang mga exam
na iyong nang natsekan, kahit puro ekis, minus,
at pulos pasang-awa’y itatago ko ito sa
aking kwartong silid-tulugan,
nang baka sa aking pag-idlip ay lecture
mo pa rin ang siyang mapanaginipan.

hello

No Comments » June 7, 2006 » 1376 days ago
Uncategorized

dire-diretso ko papuntang admin office ng math department at dire-diretso rin sa hindi ko maikakailang kakilala.

nasa hagdan pa lamang ay napansin at namukhaan ko na ang horizontally-striped blue shirt niya.

“siya… si ano”

ang nasabi ko. at hindi pa man nakakailang sandali ay sunod na napansin ang kasama niya, isang lalaki. pero hindi naman masyadong nabigla dahil madalas naman talaga siyang kasamang lalaki.

pero iba ito, kung tama ang napapansin ko.

wala lang. medyo hindi ko lang inaasahan na ganun ang mangyayari, na sa ganun mapupunta ang sitwasyon. magkakaboyfriend na ata siya.

hindi ko lang talaga inaasahan pero nangiti na lang ako nang makita siya. hindi niya ako ngayon binati ng nakasanayan niyang itawag sa akin.

pero napansin kong napansin niya ako sa kanilang likuran. pero wala lang naman talaga.

hindi na ulit makikita pa

sa isang mahabang panahon
ng walang humpay na paghihintay
at malungkot na pag-iisa

hindi na kita makakapiling pa

sa bawat araw na darating at lilipas
may halaga pa bang mabuhay
kung kamatayan na lang ang aabangan

naglaho na ako sa iyong alaala

at tuluyang ipinagkait ang ligaya
ang walang kapantay na ligayang madarama
kung makakasama’t mamahalin ka

sana’y maging masaya ka

sa piling niya, aking sinisinta
dahil wala naman rin lang hihilingin pa
kundi makitang nakangiti ang iyong mga labi
at maging mahimbing ang tulog sa gabi

hindi man ako ang kayakap sa iyong paghimbing

mananatili ka sa aking mga panaginip
at lilipas ang magdamag na may tuwa
na mabubura’t maglalaho sa pagdilat
ng mga matang hindi ikaw ang masisilayan

mangangarap akong wala ka

at hindi na magbabago pa
ang bawat umagang hindi kita nakakasama

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.