math instructor

Posted almost 6 years ago Uncategorized

sa pagtuntong mo sa ating silid-arala’y
hindi ko na maialis sa iyo aking mga mata.
sabihin man nilang mahirap ang math ay
magiging paborito ko, pagkat ika’y makikita.
mali man itong dahilan sa pagpasok ngayo’y
sadya naman akong walang magagawa,
dahil kahit walang credits ‘tong subject na to’y
mag-eenrol pa rin ako’t magkakandahirap pumila.

kahit madugong triple integral ang nakasulat
ay magiging maaliwalas pa rin ang pisara
dahil nasasapawan ang magugulong mga equations
ng natatangi mong ganda, sobra.
kahit ilang unknowns pa ang ipasolb mo sa aki’y
tamang sagot ay sisikapin ko pa ring makuha,
kung idudulot nito’y isang matamis na ngiti
sa iyong mukhang nakabibighani… sinta

uupo ako malapit sa harap nang baka ang hanging
umihip sa iyo’y sa akin mapatungo’t
malanghap ang samyo ng iyong pabango.
pakikinggan ko ang tinig mong itatanim ko sa
aking isipan, na kahit isang lesson na hindi
ko naman maintindiha’y alalahanin pa rin
sa buong araw’t magdamag.

ituturing kong mga loveletters ang mga exam
na iyong nang natsekan, kahit puro ekis, minus,
at pulos pasang-awa’y itatago ko ito sa
aking kwartong silid-tulugan,
nang baka sa aking pag-idlip ay lecture
mo pa rin ang siyang mapanaginipan.

hello

Posted 6 years ago Uncategorized

dire-diretso ko papuntang admin office ng math department at dire-diretso rin sa hindi ko maikakailang kakilala.

nasa hagdan pa lamang ay napansin at namukhaan ko na ang horizontally-striped blue shirt niya.

“siya… si ano”

ang nasabi ko. at hindi pa man nakakailang sandali ay sunod na napansin ang kasama niya, isang lalaki. pero hindi naman masyadong nabigla dahil madalas naman talaga siyang kasamang lalaki.

pero iba ito, kung tama ang napapansin ko.

wala lang. medyo hindi ko lang inaasahan na ganun ang mangyayari, na sa ganun mapupunta ang sitwasyon. magkakaboyfriend na ata siya.

hindi ko lang talaga inaasahan pero nangiti na lang ako nang makita siya. hindi niya ako ngayon binati ng nakasanayan niyang itawag sa akin.

pero napansin kong napansin niya ako sa kanilang likuran. pero wala lang naman talaga.

hindi na ulit makikita pa

sa isang mahabang panahon
ng walang humpay na paghihintay
at malungkot na pag-iisa

hindi na kita makakapiling pa

sa bawat araw na darating at lilipas
may halaga pa bang mabuhay
kung kamatayan na lang ang aabangan

naglaho na ako sa iyong alaala

at tuluyang ipinagkait ang ligaya
ang walang kapantay na ligayang madarama
kung makakasama’t mamahalin ka

sana’y maging masaya ka

sa piling niya, aking sinisinta
dahil wala naman rin lang hihilingin pa
kundi makitang nakangiti ang iyong mga labi
at maging mahimbing ang tulog sa gabi

hindi man ako ang kayakap sa iyong paghimbing

mananatili ka sa aking mga panaginip
at lilipas ang magdamag na may tuwa
na mabubura’t maglalaho sa pagdilat
ng mga matang hindi ikaw ang masisilayan

mangangarap akong wala ka

at hindi na magbabago pa
ang bawat umagang hindi kita nakakasama

losing scenario

Posted almost 7 years ago Uncategorized

Math 54: 2:30p – 3:45p
lesson:

sitting arrangement:
[kaklase1] [ako] [bag] [kaklase2]

dialogue:

kaklase1: jr… jr..
kaklase2: .. ( nakatingin sa blackboard )

kaklase1: jr. kunin natin yung exam natin.. jr..
kaklase2: . .. . ( nakatingin pa rin sa blackboard )

sa sandaling ito ay nakatingin na rin ako kay kaklase2. inaabangan ko kung papansinin na niya si kaklase1.

kaklase1: jr. uy. JR!
kaklase2: … .. . . . ( lumingon ng dahan-dahan kay kaklase1 pero tahimik pa rin )

parang naging slowmo, nagkatinginan pa sila ng point 3333333 bar second

kaklase1: uy. jr kunin natin yung exam
kaklase2: .. ha? ( parang natauhan )
naisip ko, baka nakalimutan niya ang pangalan niya, habang nakikinig sa prof kung paano kuni ang suma total ng isang walang hanggang serye ng isang binomial series.

sinusumpa ko sina Taylor at MacLaurin

test namin sa math mamya at eto ako ngayon at nagbablog pa. At naaasar ako kung bakit ako bumabagsak sa naturang subject

converging lives

Posted almost 7 years ago Uncategorized

Narinig ko ang mga yapak mula sa hagdan pababa mula sa ikatlong palapag ng math building. Pamilyar ang tunog na iyon, hindi ko mapagkakamalan sa yapak ninuman. At kahit isang grupo ang bumababa ay nangingibabaw pa rin sa karamihan.

Habang lumalapit ay lalong lumalakas, napapasabay sa unti-unting bumibilis na pintig ng aking pulso. Tuluyan na akong natigilan sa aking pagsusulat. At napalingon na lang ako sa kanyang direksyon.

At bigla na lang tumigil ang oras.

O ginusto ko lang na tumigil sana ang oras sa sandaling mapalingon kami sa isa?t-isa. Nakita ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga matang nakatatak na sa isip ko?y nasa harapan ko na?t natatanaw. Sana nga tumigil na lang ang oras.

Pero hindi, sinundan kaagad ito ng isang segundo, dalawa, at tatlo.

Hindi na siya naabot pa ng aking tanaw, at napansin ko pa, hindi siya nakangiti sa pagkakataong ito.

At nagising na naman ako sa aking panaginip.

Pareho pala talaga kami ng professor, siya siguro ay sa earlier class ni ong. Nakita ko kasi yung pinasa nilang problem set ng kagrupo niya, at may mali sila, hehe.

Marami pa pala ang pagkakataon na makita ko siya, ayus.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.