kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...
  • pmonchet: Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko....
  • Rob: hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam...

Subscribe to my feed




January 6th, 2008 | Uncategorized

Pusa

Marahan ang kanyang mga yapak papalapit sa akin. Mga hakbang na animo’y sinasalo ng hangin, iniaangat ang bawat pagtapak ng mga paa niyang tila hindi na sumasayad sa mabatong sahig. Iniingatan ang kanyang mga daliring mabahiran ng galos at sugat na masakit.

Tahimik ang kanyang mga kilos na hindi namamalayan, nakakubli sa walang kasiguraduhan, lumalakad sa kawalang muwang, nananahan sa espasyong hindi lingid sa kaalaman.

Naririnig ko ang tinig niyang matining na unti-unting kumikiliti sa aking pandinig. Sa oras na iyo’y nakuha na niya ako’t ang buo kong atensyo’y sa kaniya nang lubusang nakatuon, pinakikinggan ang mga matatamis na mga salitang nagmumula sa kanyang mumuting labi. Ang boses niya’y dampi ng mga halik sa aking tenga, mainit at nakahuhumaling, malambot at dahan-dahang inililigid palibot mula sa aking batok, paikot sa pisngi.

Nararamdaman kong papalapit na siya sa akin, sinusuyo ako nang hindi lumalagi sa aking paningin, na lalong nagpapasabik sa paghihintay sa kanyang marahan na pagdating.

Dumaloy ang kuryenteng nagmula sa pagdampi ng kanyang mga daliri sa aking nag-aabang na binti. Pinatibok nitong mabilis ang aking puso, hinahabol ng bawat pintig ang papalayo niyang haplos. Hinihila ako ng bawat bitiw, hinihimok na sumama sa kanyang paggalaw, isinasabay sa ritmo ng kanyang paglakad. Inihahaplos niyang mariin ang kanyang balahibo sa aking balat, ipinadarama sa akin ang kinis ng kanyang kahubdan, inilalandi niya sa akin ang kanyang katawan.

Sinilip ko siyang dahan-dahan mula sa kinahihigaan, iniunat ang aking mga kamay upang mahaplos ang kanyang maamong mukha. At sa paglapit ng aking mga daliri’y dali-dali siyang tumakbo patungo sa kawalan niyang pinanggalingan.

Ang kanyang kagandahang nakahihigit ng buhay ay mailap sa kamay ng isang mortal.

November 23rd, 2007 | Uncategorized

ang tilamsik ng tubig na mula sa paglapat
ng mga mabibigat na yapak
sa basang kalsadang inaagusan
ng papalakas na ulan
ay agad-agad ring humahalo't
sumasabay sa landas
ng sanga-sangang daan ng paghihiwalay

sa pagsambit mo ng mga katagang "Paalam."
at sa unti-unti mong pagtalikod sa aking harapan
ay pilit kong ngiti mo'y hanggang
sa huling sandali'y muli pang pagmasdan

ang tuloy-tuloy mong paglisan
at sunud-sunod na papalayong hakbang
ay parang isang napakagandang larawan
na aking walang magawang pinagmamasdan
habang ito'y unti-unting nabubura't
tuluyan nang naglalaho
at nakikita ko na lang ang aking sariling
nakatitig sa iyong kawalan

ngunit kahit ilang beses ko pang
paulit-ulit na ipinta
ang isang magandang larawan
na imahe mo ang nagbibigay halaga
at kahit paulit-ulit din itong mabura,

hahawakan ko pa ring mariin itong brotsa,
iipunin ko ang natitirang pintura
at muling magsisimulang puminta

Dalawang taon na ang lumipas nang isinulat ko itong tula. At dati nung hinagilap ko lahat ng mga isinulat ko'y nalaman ko na wala pala akong kopya nito, dahil ang tanging kopya kung saan ko ito isinulat ay ibinigay ko sa kanya (pinost ko rin ito sa komski.blogista.com pero nawala naman yun at wala akong backup). Pagkalipas ng dalawang taon ay muli ko itong nabasa, dahil isinulat niya ako ng isang kopya.

Minamahal ko siya. >

Hindi ko alam kung bakit kita iniisip, gayong hindi naman kita kilala. Bakit paggising ko kahapo’y naging laman ka kaagad ng aking isipan gayong ang nalalaman ko lang ay ang iyong pangalan? Pangalang hindi ko man lang alam kung tunay, ngunit, ito’y sa iyo’y aking naiuugnay.

Hindi ako sigurado kung bakit ako nangangarap ng isang araw na kasama ka, gayong hindi man lang kita kakilala. Bakit ko iniisip ang mga lugar na pwede nating mapuntahang dalawa? Bakit ako nangingiti sa tuwing nakikinita ko ang sayang idudulot sa akin ng mukha mong nakatawa? Isang mukhang kahit hindi ko pa nasisilaya’y sigurado akong kaaya-aya.

Hindi ko alam kung bakit ako nakararamdam nang ganito, gayong hindi kita kilala. Bakit ako nalulungkot sa iyong pagkawala, gayong, nung una pa lamang ay wala ka na talaga?

Hindi ko alam kung bakit kita iniisip, pinapangarap, sinisinta, gayong hindi naman kita kilala. Bakit ako nagkakaganito, gayong wala naman akong nalalaman sa iyong mahalaga? Pero ano ba talaga ang dapat na aking ipinagtataka, ang lahat ng mga bagay na sa aki’y iyong ipinadarama gayong hindi naman kita kilala?

O kung bakit hindi kita kakilala?