Pangkulay ng buhokFriday, November 23rd, 2007 with 9 Comments »
ang tilamsik ng tubig na mula sa paglapat
ng mga mabibigat na yapak
sa basang kalsadang inaagusan
ng papalakas na ulan
ay agad-agad ring humahalo't
sumasabay sa landas
ng sanga-sangang daan ng paghihiwalay
sa pagsambit mo ng mga katagang "Paalam."
at sa unti-unti mong pagtalikod sa aking harapan
ay pilit kong ngiti mo'y hanggang
sa huling sandali'y muli pang pagmasdan
ang tuloy-tuloy mong paglisan
at sunud-sunod na [...]










